NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kauna-unahang Manila Strategy Forum sa Solaire Resort and Hotel sa Pasay City, kung saan tinalakay ang papel ng ugnayang Pilipinas at Estados Unidos sa pagtiyak ng kapayapaan at kaunlaran sa Indo-Pacific region.

Ang two-day forum ay inorganisa ng Center for Strategic and International Studies, isang policy research organization na nakatutok sa mga pandaigdigang isyu sa seguridad.

Isinama sa forum ng Pangulo sina Public Works Secretary Vince Dizon, Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez at US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.



