PINURI ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pag-apruba sa pagtaas ng sahod at medical allowance ng mga empleyado ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs).

“We thank President Bongbong Marcos for this development, which reflects his commitment to upholding the welfare of our fellow public servants. Malaking bagay po ang salary increase at provision ng medical allowance na ito para sa lahat ng GOCC employees para mas lalo pa nilang maisakatuparan ang kanilang tungkulin sa paglilingkod sa ating mga kababayan,” ayon kay Secretary Amenah.
Inanunsyo ito ng Pangulo sa pagdiriwang ng 2025 GOCCs Day, sa pangunguna ng Department of Finance, sa Malacañan Palace ng nitong Setyembre 16.
Kinilala niya ang papel ng GOCC sa paglilingkod sa mamamayag Pilipino, partikular na sa pamamagitan ng kanilang mahalagang dividend contributions na sumusuporta sa pagsasakatuparan ng gobyerno sa mga mahahalagang social programs at mga proyektong pang-imprastruktura.
“And in support of the hardwoking men and women who make this possible, I have approved the Compensation and Position Classification System II that will increase the salaries of GOCC employees. Well-deserved naman,” pahayag ng Pangulo.
“I have also approved the provision of a tiered medical allowance for GOCC employees, depending on the capacity of the GOCCs,” pagpapatuloy ni Pangulong BBM.
Bilang pagtatapos, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga empleyado ng GOCC na ipagpatuloy ang pagpapakita ng kahusayan at pananagutan sa kanilang trabaho upang mas mapagsilbihan nang mabuti ang mamamayang Pilipino.
“So, as we celebrate these milestones, let us also recognize that there is much work still left to be done. My challenge to our GOCCs is to invest in modern technology, simplify our processes, and cut down on red tape so that every Filipino enjoys easy, fair, and dignified access to the services that they deserve,” ani President Marcos Jr.



