29 C
Manila
Sabado, Hunyo 13, 2026

Sen Bam Aquino inimbestigahan si Henry Alcantara; pinagpaliwanag si DPWH Director Borromeo tungkol sa CMPD

- Advertisement -
- Advertisement -

BAGO tanungin ni Sen. Bam Aquino si  DPWH Director Borromeo, tinanong muna niya si Engineer Henry Alcantara. Narito ang naging tanungan.

Senador Bam Aquino: May mga tanong po ako tungkol sa CMPD. Dyan po iikot yung mga tanong ko, sir. Pero bago yun, gusto ko lang po tanungin si Engineer Henry. Last Blue Ribbon, tinanong ko po si Engineer Hernandez kung may pinalampas ba kayo na proyekto na walang porsyentuhan. Sabi niya, lahat may porsyentuhan. Classroom, building, kalsada, tulay, flood control, lahat na. Do you confirm this, Engineer Henry?

Alcantara: Yes, Your Honor. Lahat po ng projects, meron po ang office at meron ang mga proponent po.

Sen. Aquino: Meron bang proponent na hindi tumatanggap?

Alcantara: Your Honor, when it comes to congressional, hindi po kasi ako ang in-charge po. Sila po yung kausap po ng contractor. Kaya I don’t have the personal knowledge how much it will be.

Sen. Aquino: Ay sorry, yung flow of money kasi hindi manggagaling sa iyo? O manggagaling sa inyo? Parang galing naman sa inyo yung pera?

Alcantara: Hindi po. Ang nanggagaling lang po sa amin yung mga special allocation po na binababa nila Usec Bernardo at Zaldy Co, saka iyong iba po.

Sen. Aquino: So yun lang po yung binibigyan niyo? Hindi kayo nabibigay diretso sa mga politiko?

Alcantara:Sa kanila pong allocable, hindi po kami, Your Honor.

Sen. Aquino: Okay. Kasi yung tanong ko, meron bang sitwasyon na merong, kunyari, senador o kongresista na hindi naman tumatanggap ng inyong porsiyento? Sa iyong pagkakaalam, wala ho?

Alcantara: Hindi ko po masabi. Kasi minsan po may mga bumababang proyekto, tao lang po ang kausap. Meron po ng local government, bigay daw po sa kanila ng ganito. Hindi ko naman pinakikalaman kung ano po ang transaction nila.

Sen. Aquino: So ganoon wala kang porsiyentong binibigay doon?

Alcantara: Yung para po sa proponent po, wala po. Hindi po. Pagkaganoon, hindi lang po namin kausap yan. Basta po may mga tao-tao po, di na po namin kausap.

Sen. Aquino: So uulitin ko, may mga proyekto na merong porsiyento yung proponent, may mga proyekto na walang porsiyento yung proponent?

Alcantara: Your honor, hindi po masabing wala dahil hindi po ako ang kausap. Meron po kasing nagki-claim. Halimbawa po, may bumaba sa GAA. Example isang mayor, DE kami nagpababa niyan. Okay. Sige po kung sino ang contractor niyo, okay.

Sen. Aquino: May porsiyento iyon?

Alcantara: Hindi ko na po alam sa kanya.

Sen. Aquino: Nagbibigay ka ng porsiyento sa mayor?

Alcantara: Hindi po.

Sen. Aquino: So nabibigay mo iyong project cost 100%?

Alcantara: Yes po. Iyon lang pong standard sa DP. Binibigay sa amin ng contractor nila.

Sen. Aquino: So uulitin ko po. So yung usual na hatian, may porsiyentuhan pero kapag LGU ang nagsabing kami po ang nag-request nito, 100% of the project cost nabibigay niyo sa kanila para sa proyekto? Tama po ba?

Alcantara: Hindi po. Meron pa rin po iyon para sa office.

Sen. Aquino: Para sa inyo?

Alcantara: Sa office po. Sa politiko po. Hindi ko po alam.

Sen. Aquino: Magkano yung binabawas ninyo kung LGU yung nagpapatupad?

Alcantara: Same pa rin naman po. Pagka-roads and buildings, mga nasa 6 po. Minsan may discount na konti. Depende po sa contractor.

Sen. Aquino: 6%? So 94% magpupunta dun sa project?

Alcantara: Yes your honor.

Sen. Aquino: So that’s the only case na may bawas pa rin yan pero that’s the only case na siguro yung proyekto talagang matutupad?

Alcantara: Normally po pagka buildings and roads, kung ano po yung indicated length, kung ano po yung size, lalabas po iyon, your honor.

Paliwanag tungkol sa CMPD

Sen. Aquino: Director Borromeo, ano po yung CMPI?

Borromeo: CMPD yan, sir. Consumption Materials Price Data.

Sen. Aquino: How is that determined?

Borromeo: Iyan ang nag-control ng mga presyo ng mga construction materials na ginagamit natin to derive the (inaudible) of the project. So, lahat na yan, sir, before naibigay na yang authority ng CMPD sa mga implementing offices sa region at sa district, at ngayon ibinalik na natin sa central office para makontrol natin ang mga presyo.

Sen. Aquino: Bakit niyo po binalik sa central office, Director?

Borromeo: Kasi mayroong mga discrepancies na, sir. Maski yung kapitbahay na district office.

Sen. Aquino: Ang lalayo ng presyo. In fact, ang nakita ho namin, yung presyo ng semento compared sa mga hardware store, mas mataas pa po ang ibang CMPD. Totoo po ba ito?

Borromeo: May mga ganung pangyayari, sir.

Sen. Aquino: Kumbaga po, bulto-bultong binibili ninyong semento, kapag pumunta ka sa hardware store, mas mura pa doon?

Borromeo: Malamang, sir. May ibang district at mga region na ganyan ang nangyayari.

Sen. Aquino: Na-monitor nyo po yan, ano?

Borromeo: Yes, sir.

Sen. Aquino: So, ngayon po, I’m happy to hear. Di ko alam na binalik niyo na sa central office. So, binalik nyo po sa central office, ngayon po nakabantay na po kayo dyan?

Borromeo: Nabantayan na, sir. And probably by next week, i-release na namin yung bagong CMPD para gagamitin sa buong region and district offices.

Sen. Aquino: So magagaling sa central office yung bagong CMPD?

Borromeo: Tama po kayo, sir.

Sen. Aquino: Okay. Paano nyo po bubuuin yung CMPD?

Borromeo: So, nag-deploy kami ng mga tauhan namin sa lahat ng district, lahat ng mga probinsya. Kami mismo ang gumagawa ng canvassing sa mga suppliers na kung saan ang location ng mga projects.

Sen. Aquino: Director, sorry, magtatanong lang ako. Bago ka rin ba o matagal ka nang nandiyan?

Borromeo: Mga two years.

Sen. Aquino: So alam mo rin na may mga lugar na napakataas ng kanilang CMPD compared sa commercial rates or compared dun sa totoo? Nakikita nyo po yan?

Borromeo: Tama po kayo, sir.

Sen. Aquino: O ano nangyari?

Boromeo: Kasi may dinadagdag silang mga freight fees, parang sa mga hauling sa island provinces. So doon dinagdag ang mga presyo.

Sen. Aquino: Opo. At nakita ho namin sometimes dumodoble.

Borromeo: Yes, sir.

Sen. Aquino: Di naman iyan dapat doble, dapat maybe 20-30% higher lang yan because of the hauling and freight fees, tama po?

Borromeo: Tama po kayo, sir.

Sen. Aquino: So kailan kayo maglalabas ng bagong CMPD niyo?

Borromeo: As much as possible by next week kasi gagamitin na yan for the 2026 projects natin sa DPWH.

Sen. Aquino: Ilalabas niyo po yan sa internet?

Borromeo: Yes, sir. Ma-publish yan.

Sen. Aquino: October 20, kung hindi ko nagkakamali, ang budget ng DPWH. Kung ilabas niyo po yan by next week, ikukumpara po natin yan dun sa mga commercial rates.

Borromeo: Yes, sir. Before maglalabas ang budget, naka-ready na iyong CMPD.

Sen. Aquino: Opo. Sinasabi ko na, iyan iyong mga tanong ko sa DPWH budget kung kumusta iyong CMPD ng central kumpara sa presyo talaga dun po sa baba.

Borromeo: Yes, sir.

Sen. Bam: Tama ba na ang CMPD, Dapat mas mababa sa mabibili mo sa hardware store?

Borromeo: Hindi naman lahat, sir.

Sen. Aquino: Bakit?

Borromeo: Kasi may mga projects, for example, gravel, mataas talaga yung hardware price kaysa dun mismo sa sites.

Sen. Aquino: Kaya nga, dapat mas mababa kayo.

Borromeo: Yes, mababa yung CMPD.

Sen. Aquino: So ulitin ko, dahil ang laki pong binibili ninyo, bulto-bulto po ang binibili ninyo, dapat ang presyo ng gobyerno mas mababa sa makikita mo sa hardware store.

Borromeo: Tama po kayo, sir.

Sen. Aquino: Tama yan. Tapos kung may dagdag na presyo sa hauling or freight or ganyan, di naman siguro lalampas ng 40%.

Borromeo: Hindi naman.

Sen. Aquino: At ano po ba dapat? Ilang prosyento po ba dapat yung diperensiya dahil po sa handling?

Borromeo: Usually, sir, yung mga hauling distance mo, kung 10 km lang, free na yun, free na delivery. Pero more than that, more than 10 km, may dagdag na 20-30%.

Sen. Aquino: Pero di lalampas?

Borromeo: Yes, sir.

Sen. Aquino: Di naman dodoble o titriple? Nakita namin may mga beses dumodoble.

Borromeo: Iyan ang observation namin nung binigay namin sa mga district and regional offices yung CMPD. Kaya nga kinuha namin uli.

Sen. Aquino: Okay. Salamat, Director. So yung CMPD, mahalaga po yan para matukoy talaga natin yung tamang presyo ng mga proyekto. Yung isa, yung isa, yung nabanggit ito ni Brice nung nakarang araw, yung units. Sometimes dinadagdagan yung mga units. Kung 100 lang yung kailangan, ilalagay daw 200. Nabanggit mo yan, Bryce, di ba?

Brice: Tama po, Your Honor.

Sen. Aquino: Paano naman natin yan mache-check na yung units ay tama dun sa design? So kunyari, sabihin mo na classroom. In our last hearing po sa Committee on Basic Education, umaabot ng P3.7M per classroom po tayo. Tingin po namin overpriced po yan. E nahihirapan po kami makahanap ng tamang presyo kasi yung unang-una, yung CMPD, palagay ko mali, masyadong mataas. So maybe we can now use the CMPD that DPWH will publish. Pero pati yung units, last question ko po ito, Mr. Chairman. Pati yung units, paano po natin machi-check na yung disenyo ng mga proyekto sa DPWH hindi po pinapalobo? Hindi po pinapalaki o pinapabukol? Talagang tama yung disenyo, tama yung number of units, tama yung presyo? Paano niyo po niyan gagawin ni Sec. Dizon?

Borromeo: I think sir sa Bureau of Design na yan ang issue na yan, hindi ko yan masagot. Basta sa Bureau of Design may standard plan. Meron silang mag-audit diyan sa implementing offices, may mag-audit dyan na taga-Bureau of Design.

Sen. Aquino: Nandito ba yung Bureau of Design? Wala. Sige po, we’ll ask. Tatanungin na lang po namin kung di man sa budget hearing sa sunod na Blue Ribbon. Ito mga disenyo po mahalaga kasi baka over-designed siya para talagang palakihin yung presyo. At nais natin makahanap ng tamang presyo sa tamang dami, sa tamang kalidad ng mga materyales. Palagay ko po, nasa punto tayo ng DPWH. Kailangan talagang, kulang na lang mag-start from zero po tayo. Kasi yung nakikita po nating lebel ng corruption, napakataas ho talaga. Kailangan po talaga back to zero po tayo dito. Last question, thank you very much sir Director Allan. Engineer Alcantara, itong mga nabanggit na yung CMPD, mas mataas, yung dami ng mga unit, pinapataas. Do you confirm this? Na isa itong paraan para palobohin yung presyo?

Alcantara:Tungkol po sa CMPD, we’re following the CMPD given to us by the regional office. May mga times lang po na we conduct our own canvass dahil hindi po talaga minsan nagtutugma

Sen. Aquino: Mataas o mababa?

Alcantara: Mababa po.

Sen. Aquino: Mababa. So you’re saying tapat naman yung CMPD ninyo? That’s what you’re saying?

Alcantara: Yes, your honor.

Sen. Aquino: But Director Borromeo, nakita niyo may pangangailangan ibalik ito sa Central?

Borromeo: Tama po,to centralize all of these materials prices.

Sen. Aquino: So we will check this Director Borromeo sa susunod na budget hearing ng DPWH, o baka sa Blue Ribbon, nais natin makita na yung CMPD nakapublish, kita-kita ng lahat ng tao at pwede po makumpara doon po sa mga presyo sa kanilang lugar Thank you. Maraming salamat Mr. Chair.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -