MULA sa halos dalawang oras, magiging 20 minuto na lang ang biyahe mula Aparri hanggang Ballesteros sa nalalapit na pagkumpleto ng Camalaniugan Bridge sa Cagayan. Mahigit 6,000 na biyahero ang maseserbisyuhan kada araw, at mas mapapabilis din ang pagdadala ng mga produkto mula at papuntang Aparri Port.

Sa inspeksyon ng tulay, pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahusay na disenyo at implementasyon ng proyekto. Nagpasalamat din si PBBM sa mga hakbang ng mga ahensya at LGU kontra-korapsyon upang matiyak na “bawat sentimo ay [mapupunta] sa tama.”

Kapag bawat sentimo ay napupunta sa tama, nagbubunga ito ng imprastrakturang nagpapagaan at nagpapatatag sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Narito ang dalawang proyekto na binisita ni PBBM sa Cagayan nitong Oktubre 14, 2025.





