BILANG bahagi ng programang PagbaBAGo: A Million Trees Campaign ng Office of the Vice President, personal na pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang pagtatanim ng ika-isang milyong puno sa Cesar C. Climaco Freedom Park, Barangay Pasonanca, Zamboanga City, kasabay ng isinagawang simultaneous tree planting activities sa pamamagitan ng mga OVP Satellite Offices sa iba’t ibang panig ng bansa nitong Oktubre 15, 2025.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng libu-libong volunteers, estudyante, lokal na pamahalaan, at mga pribadong partner sa buong bansa, naabot ng OVP ang milestone na 1 milyong puno sa loob lamang ng tatlong taon — mas maaga sa itinakdang target para sa 2028.

Patuloy na magsasagawa ang OVP ng mga tree planting activity sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa pangangalaga ng kalikasan, at sa pagpapatuloy sa nasimulang kampanya sa environment conservation at climate change reduction.



