31.8 C
Manila
Huwebes, Hunyo 18, 2026

Human Trafficiking ng Pinoys sa Cambodia, tinalakay ni Sen Raffy sa 151st IPU Assembly

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMALO si Sen. Idol Raffy Tulfo bilang isa sa mga kinatawan ng Pilipinas sa 151st Inter-Parliamentary Union (IPU) Assembly na ginanap sa Geneva International Conference Center nitong Oktubre 19.

Una niyang dinaluhan ang Asean 3+ meeting na layong palakasin ang ugnayan at kooperasyon ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

Kasunod nito ay ang Meeting of the Asia Pacific Geopolitical Group kung saan natalakay ng mga legislators ang mga napapanahong isyu na kailangan nilang tutukan tulad ng cybercrime, spread of fake news, online bullying at human trafficking.

Sa kanyang Manifestation, nanawagan si Sen. Raffy sa Cambodian delegation na dumalo na agarang paigtingin ang seguridad sa kanilang mga borders dahil madalas na ginagamit ng mga human traffickers ang rota mula Pilipinas patungong Cambodia para makapambiktima ng mga Pilipino na ginagamit nila sa scam hubs.

Iminungkahi niya rin sa mga awtoridad ng Cambodia na mahalagang mahuli ang mga mastermind at sindikato sa likod ng dumaraming bilang ng mga Pinoy na nabibiktima ng human trafficking sa Cambodia.

“We call on the Cambodian authorities to strengthen their borders… these traffickers, they use these route of going to Cambodia from the Philippines trafficking these Filipino workers and this should be addressed immediately,” he said.

“This is becoming a serious issue and they should be vigilant and make sure to identify these traffickers,” said he.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -