
BILANG tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nagsagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mabilisang clearing operations sa mga kalsadang nasira ng Super Typhoon Uwan at ng agarang assessment ng mga gumuhong imprastruktura.

Puspusan na ngayon ang trabaho ng mga tauhan ng DPWH sa Romblon, Masbate, at Samar upang tanggalin ang mga debris, natumbang puno, poste, at iba pang road obstructions upang maibalik agad ang ligtas at normal na daloy ng trapiko at mapabilis ang paghatid ng tulong sa mga apektadong mamamayan.



