29.5 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

DBM: COS at JO workers ng gobyerno, makakatanggap ng ₱7,000 gratuity pay para sa FY 2025

- Advertisement -
- Advertisement -

MAKAKATANGGAP ng one-time Gratuity Pay na hanggang ₱7,000 ang mga contract of service (COS) at job order (JO) workers ng gobyerno para sa FY 2025, matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Administrative Order No. 39 noong December 11, 2025.

Sa ilalim ng AO No. 39, ang mga COS at JO workers na nakapagbigay ng kabuuang hindi bababa sa apat (4) na buwang aktwal at maayos na serbisyo hanggang 15 December 2025, at may kontrata pang epektibo sa petsang iyon, ay maaaring bigyan ng one-time Gratuity Pay na hindi lalampas sa ₱7,000 para sa taong ito.

“With President Ferdinand R. Marcos Jr. approving this measure, we are allowing government agencies to reward the hard work and valuable contributions of our COS and JO workers. With this, we continue to support those who help deliver government programs and services to the Filipino people,” saad ni Department of Budget and Management (DBM) Acting Secretary Rolando Toledo.

Saklaw ng Gratuity Pay ang mga COS at JO workers na kinontrata ng mga national government agencies (NGAs), state universities and colleges (SUCs), government-owned or -controlled corporations (GOCCs), at local water districts (LWDs). Hinihikayat din ang mga local government units (LGUs) na magbigay ng Gratuity Pay sa kanilang COS at JO workers, depende sa pag-apruba ng kaukulang supplemental budget at sa availability ng pondo.

Ang mga COS at JO workers na nakapaglingkod ng mas mababa sa apat (4) na buwan hanggang 15 December 2025 ay maaari pa ring makatanggap ng pro-rated na Gratuity Pay, ayon sa sumusunod:

  • Tatlong (3) buwan pero kulang sa apat (4) na buwan – hanggang ₱6,000
  • Dalawang (2) buwan pero kulang sa tatlong (3) buwan – hanggang ₱5,000
  • Mas mababa sa dalawang (2) buwan – hanggang ₱4,000

Para sa FY 2025, ang pagbabayad ng Gratuity Pay ay gagawin hindi mas maaga sa 15 December 2025.

Ang pondong gagamitin para sa Gratuity Pay ay kukunin mula sa available Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng mga ahensya, approved corporate operating budgets ng GOCCs at LWDs, o pondo ng mga local government units, depende sa availability ng pondo at pagsunod sa umiiral na budgeting, accounting, at auditing rules.

Ang paglabas ng AO No. 39 ay pagpapatuloy ng polisiya ng pamahalaan sa pagbibigay ng year-end Gratuity Pay sa mga COS at JO workers, bilang pagkilala sa mahalagang papel nila sa pagpapatupad ng mga programa, aktibidad, at proyekto ng gobyerno—lalo na sa gitna ng patuloy na hamong pang-ekonomiya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -