26.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

VP Sara bumisita sa Brgy Opao Gymnasium Evacuation Center sa Mandaue City

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni Vice President Sara Duterte ang kanyang ginawang pagbisita sa Brgy Opao Gymnasium Evacuation Center sa Mandaue City.

Kuwento ng ikalawang pangulo, “Sinadya natin na bisitahin ang Brgy. Opao Gymnasium na nagsisilbing pansamantalang evacuation center ng mga kababayan natin na naapektuhan ng Bagyong Tino noong nakaraang buwan sa Mandaue City.

“Sa gitna ng kanilang kalagayan ay nararamdaman natin na puno sila ng pag-asa.

“Kinamusta ko sila at pinaalala ang kahalagahan ng paghahanda at nagbigay ng mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.

“Pinaalam ko rin sa kanila na ang Office of the Vice President ay mayroong Satellite Office para sa Cebu, Bohol, at Siquijor na nasa Cebu City, na laging handang tumulong sa mga nangangailangan.

“Daghang salamat ug amping mga kaigsuonan ko.

“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -