26.6 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Lacson: Pag-restore ng budget cuts ng DPWH, maaaring maging daan sa pagbalik ng insertions

- Advertisement -
- Advertisement -

KUNG pagbibigyan ang hiling ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maibalik ang mga tinapyas na item sa panukalang badyet nito para sa 2026, maaari itong maging daan sa pagbalik ng mga insertion, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ngayong Linggo.

Ani Lacson, kung ang mga item na nais ibalik ng DPWH ay wala sa bersyon ng Senado at Kamara ng panukalang badyet, hindi maaaring umaksyon ang alinmang kapulungan dito dahil napagkasunduan nilang ang mga disagreeing provisions lamang ang tatalakayin sa bicameral conference committee.

“Pag nag-apela sila at wala naman sa House or Senate version, mag-o-open na naman yan ng floodgates para mag-insert ng kung anu-ano na wala sa either version,” aniya sa panayam sa DZBB radio.

“Sa bicam, kung wala sa House at wala sa Senate version, iva-violate namin ang pinagkasunduang disagreeing provisions lang ang aming gagalawin. Papasok na naman ang insertion,” dagdag niya.

Nauna nang humiling si Dizon sa Senado na ibalik ang mga binawas na halaga sa mga proyekto sa badyet ng DPWH para sa 2026 dahil sa mga pagbawas na dulot ng Construction Materials Price Data (CMPD).

Gayunman, ipinunto ni Lacson na maaari namang humingi ng tulong ang DPWH sa Malacañang kung kailangan nito ng karagdagang pondo para sa mga programa, aktibidad at proyekto, dahil may kakayahan ang Malacañang na mag-realign ng pondo mula sa Special Purpose Fund (SPF).

“Yan ang purpose ng SPF na kung saan may savings sa ibang items o programa pwedeng mag-realign ang pangulo. Doon sila humingi ng pangdagdag,” ani Lacson.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -