SINALUBONG at pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Rhodora Alcaraz Tuñacao, ang Pinay domestic worker mula sa Hong Kong na nagligtas sa isang tatlong buwang gulang na sanggol sa sunog na sumiklab sa Wang Fuk Court sa Tai Po noong Nobyembre 26, isang trahedyang nagkulong sa mga residente sa makapal na usok, kumitil ng buhay ng hindi bababa sa 160 katao, at itinuturing na pinakamalalang sunog sa isang residential building sa buong mundo mula noong 1980.

Samantala, inilunsad ang mga bagong pasilidad sa NAIA Terminal 3 na naglalayong bawasan ang pila, pabilisin ang proseso, at bigyang-halaga ang oras at dignidad ng bawat biyahero.

Mas mabilis, mas komportable, at mas maayos na biyahe ang mararanasan ng mga pasahero sa NAIA Terminal 3.
“Hindi lamang ito usapin ng imprastraktura. Ito ay usapin ng malasakit—ng pag-unawa sa pagod, pangamba, at pananabik ng bawat Pilipino at bisitang dumarating sa ating bansa,” sai ng Pangulo.

Pinangunahan ng Pangulo ang pagbubukas ng mga bagong immigration e-gates, mga food hall na tampok ang lutong Pilipino, Dignitaries Lounge, at Medical Tourism Concierge Area bilang bahagi ng patuloy na modernisasyon ng pangunahing paliparan ng bansa.
Dagdag pa niya, “Ito ay patunay na iginagalang natin ang oras ng bawat biyahero at pinahahalagahan ang kanilang dignidad—sapagkat ang maayos na serbisyo ay karapatan ng bawat Pilipino.”
Binigyang-diin ni PBBM na hindi lamang ito tungkol sa imprastraktura kundi sa malasakit sa pagod, pangamba, at pananabik ng mga Pilipino, lalo na ng mga OFW, senior citizens, at mga dayuhang bisita, upang mas maging magaan, episyente, at kaaya-aya ang paglalakbay sa Pilipinas.



