29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Pag-angat sa kakayahan ng mga mag-aaral na bumasa suportado ng 2026 Budget —Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

TINIYAK ni Senador Win Gatchalian na tututukan ng 2026 national budget ang pag-angat sa kakayahan ng mga mag-aaral na bumasa. 

Mula sa Facebook page ni Sen Win Gatchalian

Kasunod ito ng paglunsad ng resulta ng 2024 Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM), kung saan lumabas na napag-iiwanan ang mga Pilipinong mag-aaral ng Grade 5 kung ihahambing sa mga kapwa nilang mag-aaral sa Timog Silangang Asya. Ayon sa pag-aaral, 27% ng mga mag-aaral sa Grade 5 ang may napakababa o “very low” reading proficiency.

Sinabi ni Gatchalian na sa ilalim ng inaprubahang national budget ng Bicameral Conference Committee, tumaas sa P19.5 bilyon ang pondong ilalaan para sa pagbili ng mga libro at iba pang instructional materials mula sa P11.2 bilyong inilaan ng National Expenditure Program (NEP).

Lumabas din sa naturang pag-aaral na sa Pilipinas, may kaugnayan ang pagkakaroon ng libro sa mas maayos na performance ng mga mag-aaral. Sa kasamaang palad, lumabas sa 2024 SEA-PLM na 52% ng mga mag-aaral sa Grade 5 ang iisa lamang ang textbook, samantalang 42% naman ang nagbabahagi ng kanilang textbook sa isa o mas marami pang mag-aaral. Batay din sa pag-aaral, 13% lamang ang nakapagkamit ng “minimum proficiency”, at 14% lamang ang may “high reading proficiency”.

Upang magpatupad ng learning recovery, isinulong din ni Gatchalian ang pagkakaroon ng karagdagang P3.3 bilyon para sa 440,000 tutors sa ilalim ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program. Inaasahang 6.7 milyong mag-aaral ang matutulungan ng naturang pondo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -