26.6 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Sen Raffy, patuloy na itinutulak ang pagtanggal ng travel tax sa economy class passengers

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING nanawagan si Senate Committee on Public Services Chairperson Sen. Idol Raffy Tulfo para sa agarang pagpasa ng isang panukalang batas na naglalayong tanggalin  ang travel tax na ipinapataw sa mga Pilipinong bumibiyahe sa economy class patungo sa anumang panig ng mundo.

Ayon kay Sen. Raffy, nakasaad sa kanyang Senate Bill (SB) No. 88 na patuloy na nagiging pasanin ng mga pasahero sa economy class, lalo na doon sa mga bumi-byahe ng may limitadong badyet, ang travel tax.

Hinding-hindi maikakaila na ang karaniwang Pilipinong biyahero, partikular ang mga sumasakay sa economy class, ay pasan ang labis na bigat sa gastusin dahil sa travel tax, ani Tulfo.

Mas lalo pa itong pinabibigat ng umiiral nang mataas na buwis na ipinapataw sa mga mamamayang Pilipino, kabilang ang buwis sa kita at konsumo. Bilang pagkilala sa mga sitwasyong ito, layunin ng panukalang batas na ito na i-exempt ang mga economy class passenger sa pagbabayad ng travel tax, dagdag pa niya.

Nilinaw naman ni Sen. Raffy na hindi layunin ng kanyang panukala na tuluyang buwagin ang travel tax, sapagkat nagpapakilala lamang ito ng mas makatarungang sistema sa pamamagitan ng pagpapanatili ng travel tax para sa mga pasaherong bumibiyahe sa business class o mas mataas pa, na may mas malaking kakayahang pinansyal na makapag-ambag sa pambansang kaunlaran.

“The government shall continue to secure the necessary resources for TIEZA, CHED, and the NCCA, ensuring the sustainability of essential programs and projects, while alleviating the financiai strain on the average Filipino traveler,” saad niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -