29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

2026 budget, pinalakas ang papel ng LGUs sa serbisyo publiko

- Advertisement -
- Advertisement -
Sa ilalim ng FY 2026 General Appropriations Act, makakatanggap ang mga LGU ng P1.19 trilyong National Tax Allotment, bukod pa sa mahigit P31.7 bilyon na special shares mula sa national taxes at P1.41 bilyon mula sa Fire Code fees. Ibig sabihin, mas malaki na ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan—mula basic services hanggang serbisyong panlipunan—ayon sa sarili nilang plano.
Kasabay nito, nilinaw ng DBM na malinaw na ring nagbago ang patakaran sa paglalagay ng mga proyekto sa mga lokalidad. Sa ilalim ng 2026 budget framework, hindi na pinapayagan ang mga proyektong hindi alam o hindi hiningi ng LGU.
“Hindi na puwedeng magulat ang Mayor na may proyektong itinatayo sa kanyang lugar na hindi niya alam. Ang budget ay hindi sorpresa—ito ay plano,” giit ni Toledo.
Pinakamalaki rin ang itinaas ng Local Government Support Fund (LGSF) sa 2026, na umabot sa P57.87 bilyon, mahigit doble kumpara noong nakaraang taon. Ang pondong ito ay nakatuon sa pagpapalakas ng basic services, kabuhayan, at tulong sa mga LGU na may limitadong resources.
“Doble ang Local Government Support Fund sa 2026 para tulungan ang mga LGU na kapos sa resources at mas mapalakas ang basic services at kabuhayan,” paliwanag ng DBM Secretary.
Binigyang-diin din ni Toledo na malinaw ang layunin ng budget pagdating sa equity at patas na pag-unlad ng mga lokal na pamahalaan.
“Alam natin na hindi pare-pareho ang kakayahan ng bawat LGU. Kaya ang budget ay may malinaw na layunin: iangat ang lahat at siguraduhing walang maiiwan,” ani ng DBM Secretary.
Sa disaster response naman, binigyang-diin ni Toledo na may malinaw na bahagi ang LGUs sa paggamit ng P39.82 bilyong pondo para sa NDRRMF, kabilang ang P15.33 bilyon na inilaan para sa rehabilitation at reconstruction batay sa approved local rehabilitation and recovery plans.
Sa kabuuan, iginiit ng DBM na ang 2026 National Budget ay hindi lamang listahan ng mga gastusin, kundi isang malinaw na kasunduan sa pagitan ng national government at ng local governments—may pondo, may tiwala, at may malinaw na pananagutan.
“Kapag pinalakas ang lokal na pamahalaan, mas mabilis at mas ramdam ng mamamayan ang serbisyo ng gobyerno,” pagtatapos ni Secretary Toledo
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -