MARIING ipinaliwanag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na lehitimo niyang natamo ang kanyang yaman sa pamamagitan ng mga pribadong negosyo at hindi siya kailanman gumamit ng budget insertions o tumanggap ng kickbacks, taliwas sa pinakahuling “black propaganda” ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano.

Ibinunyag din ni Lacson na may mga ghost flood control project sa Taguig City, na political bailiwick ni Cayetano, at idinagdag na ang city engineer nito ay isang “self-styled BGC boy” na nagsusugal ng malalaking halaga sa maraming casino sa Metro Manila.
“Let me correct Sen Alan Cayetano’s latest live selling on FB using wild insinuations and black propaganda against me. Hindi nag-doble ang net worth sa SALN ko in 2025 compared to 2022 when I left the Senate. Actually, more than four times ang increase at P244.9M compared to P58.7M in 2022 – the year I left government,” ani Lacson sa X. “Whatever money I have, I definitely earned legitimately through some real estate deals and other legitimate businesses with two other business partners as a private individual, and I paid P10.5M and P2.8M (in taxes) respectively as reflected in my ITRs (income tax returns).”
“Unlike Sen Cayetano with P6.79B in budget insertions under the 2025 GAA, wala akong insertions a.k.a. pork barrel since I became a senator. At lalong wala akong 25% kickback sa mga slope protection and other infra projects. I don’t know about him, but I have consistently refused lobby monies in relation to my job as a legislator,” dagdag niya.
Itinuro rin ni Lacson na sa P6.79 bilyong budget insertions ni Cayetano sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA), may dalawang proyekto na nagkakahalaga ng P75 milyon ang hindi naipatupad.
“Out of his P6.79B budget insertions under the 2025 GAA, 68 out of the 70 projects were implemented. So, only two projects, equivalent to around P75M are left unreleased or unobligated. In short, a total of P6.715B ang nagastos. While you do the math, we will keep digging,” aniya.
Sa kanyang livestream noong Sabado, kinuwestiyon ni Cayetano ang pagtaas ng idineklarang net worth ni Lacson, na aniya’y tila nadoble batay sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nito noong Hunyo 30, 2025.
Inilarawan din niya ang kanyang sarili bilang isang crusader laban sa korapsyon sa pamamagitan ng kanyang “KKK” o “Katotohanan, Konstitusyon at (Paglaban sa) Korapsyon.”
Bilang tugon sa isinusulong ni Cayetano na imbestigasyon ng Senado sa mga flood control project, pinayuhan siya ni Lacson na huwag masyadong mainip.
“And yes, re Blue Ribbon hearings, huwag siyang mainip, meron ding ghost sa Taguig,” aniya.
Dagdag ni Lacson, ang city engineer ng Taguig City ay isang “self-styled BGC boy” na, tulad ng mga engineer sa Bulacan na binanggit niya sa isang privilege speech noong nakaraang taon, ay nagsugal ng napakalalaking halaga sa mga casino.
“Tolerated or not, their city engineer, a self-styled BGC boy, is using two aliases in casinos and has a lifetime win-loss record of almost P0.5B in just one of several casino hotels in Metro Manila,” aniya.

