34.6 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

Ang ginintuang kape ni Rodiyo

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG kape ay isa sa mga paboritong inumin ng marami, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong-dagat. Sa maagang paggising bago magtrabaho, sa mga okasyon, o sa tuwing tayo ay nakikipagkwentuhan sa ating mga kaibigan, ang kape ay naging bahagi na ng ating kultura.

Sa hirap ng pag-aalaga hanggang sa pagpoproseso nito, umaabot sa halos P3,000.00 bawat kilo ang kape, depende sa kalidad. Dahil dito, tinaguring ginintuan ang kape.

Ang rehiyon ng Cordillera ay kilala sa produksyon ng mataas na kalidad na kape lalo na ang Arabica, isang uri ng kape na matatagpuan sa mataas na bahagi ng Benguet at Mountain Province. Ang kaaya-ayang lupain at klima sa mga lugar na ito ay perpekto para sa pagtatanim ng kape, kaya’t hindi na nakakagulat na isa ito sa mga producers ng kape sa bansa.

Sa katunayan, bumida na rin sa ibayong-dagat ang Benguet Arabica. Noong 2022, isa ang Benguet Arabica sa dalawang coffee varieties mula sa Pilipinas na kinilala bilang world’s best sa global coffee championship na ginanap sa Korea.

Ngunit, isa sa mga hamon na kinakaharap ng coffee industry ng bansa ay ang kakayahan nito na i-sustain ang demand. Ayon sa Department of Trade and Industry o DTI, kailangan pang mag-angkat ng mga establisyemento ng kape upang tustusan ang mataas na demand nito sa Cordillera.

Kaya naman, patuloy na nagtutulungan ang iba’t-ibang kawani ng pamahalaan upang isulong ang industriya ng kape sa ating rehiyon, sa pagbibigay ng mga trainings, trade fairs at iba pang mga suporta.

Ang coffee farmer na si Rodiyo Tacdoy Larawan mula sa Philippine Information Agency

Si Rodiyo at ang kanyang gintong kape sa PCQC

Isa sa mga matagumpay na natulungan ng ating pamahalaan ang coffee farmer na si Rodiyo Tacdoy, tubong Benguet. Natulungan siya ng DTI na palawigin ang kanyang coffee product.

Sumikat si Tacdoy sa larangan ng kape noong naibenta niya ang kanyang kape ng P9,900 bawat kilo sa 2025 Philippine Coffee Quality Competition. Nalampasan nito ang dating national record, kung saan  umabot sa P1.158 milyon na kabuuan ang kanyang nabentang 117 kilo na kape.

Ang Philippine Coffee Quality Competition o PCQC ay taunang kaganapan na idinisenyo upang tukuyin at isulong ang pinakamahusay na kalidad ng mga kape sa Pilipinas sa mga domestic at internasyonal na merkado.

Ito ay suportado ng pamahalaan kagaya ng DTI at Department of Agriculture, at mga pribadong sector.

Layunin nito na tukuyin ang mga specialty coffee sa Pilipinas upang hikayatin ang mga producer na pahusayin pa ang kalidad ng kanilang kape at pahusayin ang market access ng kape.

Naging pihit ng buhay para kay Rodiyo ang pagsali niya sa kompetisyong ito dahil sa DTI. Dito, malaki ang pasasalamat niya sa ahensiya.

“Nakapasok ako sa palaro kasi inasistaran ako ng DTI, kaya naipasok ‘yung product ko. Pagkatapos ng pagpasok ko sa product, kinupping, kinompetition, and ‘yun, napakalaking tulong dahil nagbigay-daan siya sa akin,” aniya.

Dagdag ni Rodiyo, nagkaroon din siya ng mas malawak na merkado para sa kanyang kape, hindi lamang sa lokal na pamilihan ngunit pati na rin sa international market.

Si Rodiyo bago ang tagumpay

Bagamat napakalawak na ng kaalaman ng dalawamput’ isang taong gulang na si Rodiyo sa kape, natutunan lahat niya ang mga ito nang walang pormal na edukasyon sa pagpoproseso ng kape.

Hindi naging madali para kay Rodiyo ang magsimula sa industriya. Bukod sa kakulangan sa mga kagamitan, kailangan niya ring matutunan ang lahat mula sa simula, sa pag-aaral sa tamang pagpapalaki ng kape hanggang sa pagproseso nito.

“From the start nga nagrugi kami, ti talaga nga challenges mi, apay nga marigatan kami nga agi-produce, number one is equipment, number two is lack of knowledge” ani Tacdoy.

(Sa simula, ang challenges namin sa pagproduce ay una, kakulangan sa kagamitan, pangalawa ay lack of knowledge)

Dito ay sinubukan niyang bumisita sa iba’t-ibang mga business establishments upang ipakilala ang kanyang produkto.

Malaking tulong din aniya ang presensiya ng mga online materials tungkol sa kape.

Pangarap para sa kape

Sa gitna ng mga hamon na kanilang kinakaharap sa industriya ng kape, para kay Rodiyo, tiyaga at sigasig ang puhunan.

“Ti puunan talaga ket tiyaga. Kasi nagstart kami ket awan nga pulos ket inan-anusan mi nga uray ado ti nasayang, talaga nga inan-anusan mi, biniruk mi nu anya ti mayat, isunga nakaprocess kami ti high quality nga kape,” kwento ni Rodiyo.

Hiling din nito sa mga kasamahan niyang coffee farmers.

“Uray man anya ti age mo, young or old, ket kaya tayo nga ielevate ti quality. Maitakder tayo ti sarili tayo nga nagan or ala-ala, nga datayo ket kaya tayo nga makaiproduce ti good quality uray nu local tayo” payo nito.

Kagaya ng kape na kailangan munang dumaan sa mahaba at mabusising proseso bago matikman ang malinamnam nitong lasa, ang tiyaga at dedikasyon ni Rodiyo ay tunay ngang inspirasyon. (CVBT-PIA CAR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -