MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara Duterte na bumisita at nagdasal siya sa Sto. Niño Cathedral sa Calapan, Oriental Mindoro noong nakaraang buwan. Narito ang kanyang pahayag.

“Dumaan tayo sa Sto. Niño Cathedral sa Calapan, Oriental Mindoro noong nakaraang buwan nang bumisita tayo sa naturang probinsya.

“Pinagdasal natin ang ligtas at agarang pag-uwi ni Pangulong Rodrigo Duterte, maging ang kapayapaan ng ating bayan at ang kaligtasan ng lahat ng ating kababayan lalo na ang mga nagtatrabaho at malayo sa kanilang mga pamilya. Nagpasalamat din tayo sa lahat ng biyayang ipinagkaloob ng Panginoon para sa atin sa bawat araw.

“Masaya rin ako na nabigyan tayo ng pagkakataon na makamusta at makausap ang ilan sa ating mga kababayan doon.”



