29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Gatchalian: Ipasara ang mga TEI na walang LET Passers

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG matiyak na ang mga nagnanais maging guro ay tumatanggap ng dekalidad na edukasyon, iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pangangailangang ipasara ang mga Teacher Education Institutions (TEIs) na walang ipinapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).

Batay sa datos ng Teacher Education Council, sinabi ni Gatchalian na may 200 na TEI na walang naitalang LET passers para sa secondary level noong 2024, habang 121 naman ang walang naipasa sa elementary level. Sa kasalukuyan, 397 na teacher education programs ang inirerekomendang ipasara ng Commission on Higher Education (CHED).

Noong 2024, inamyendahan ang CHED Memorandum Orders (CMO) 74 hanggang 80 at 82 upang matiyak ang kalidad ng pre-service education sa bansa. Sa ilalim ng inamyendahang CMO, ang mga TEI na palagiang hindi umaabot sa pamantayan at hindi sumusunod sa minimum standards ng CHED ay bibigyan ng abiso para sa agarang pagpapasara.

Gayunman, hindi pa ganap na naipatutupad ng CHED ang patakarang ito dahil sa pagtutol ng ilang mga TEI na nagsasampa ng kaso upang pigilan ang pagsasara ng kanilang mga programa.

“Sinasayang natin ang oras ng mga nais maging guro kung hindi natin sila bibigyan ng pinakamahusay na edukasyon. Kaya naman hinihikayat natin ang CHED na ipasara ang mga TEI na ito,” ani Gatchalian, may-akda ng Senate Bill No. 52 na naglalayong amyendahan ang Philippine Teachers Professionalization Act of 1994.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -