29.8 C
Manila
Huwebes, Hulyo 23, 2026

VP Sara: Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

OPISYAL na ipinahayag ni Vice President Sara Z. Duterte ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa susunod na eleksyon, sa isinagawang press briefing sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo sa Mandaluyong nitong umaga, Miyerkules, Pebrero 18, 2026.

Mga larawan mula sa opisyal na Facebook page ng Office of the Vice President

“Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang pangulo ng Pilipinas,” mariing sabi ng Ikalawang Pangulo sa harap ng media.

“Dahil hindi ko kinayang maging bahagi ng 2025 national budget na tadtad ng katiwalian, pinili kong umalis sa gabinete—kahit na alam ko na, mula pa noong 2023, na ang magiging kapalit nito ay ang aking impeachment,” paliwanag ni VP Sara.

Ilang impeachment complaints ang isinampa laban sa kanya ngayong buwan—mga anomalya sa paggamit ng confidential funds at ang kanyang banta ng pagpatay kay Pangulong Marcos—na kanyang pinabulaanan.

Patawad


Humingi ng tawad si Vice President Sara Duterte dahil sa pagtulong niya na maihalal si  Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.

“Mga kababayan, humihingi ako ng paumanhin sa inyong lahat. Patawad kung tinulungan kong mahalal si BBM (Bongbong Marcos) bilang Pangulo ng ating bansa,” sabi niya.

“Patawad kung hanggang ngayon ay marami pa ring Pilipino ang nalulunod sa baha nang dahil sa malawakang korapsyon. Patawad kung lantaran ang pang-aabuso sa ating mga institusyon para sa pansariling interes ng mga pulitiko,” dagdag niya.

“Patawad kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin habang nananatiling kapos ang kita ng bawat pamilya. Patawad kung wala man lang tayong tunay na seguridad sa pagkain,” pahabol niya.

- Advertisement -

I cannot kneel before each and every Filipino to beg for forgiveness,” sabi ni Duterte. “Instead, I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation.”

Hindi natatakot

“Matagal na akong inaatake gamit ang buong makinarya ng kapangyarihan — mula sa mga scripted na imbestigasyon na ibinalot sa katagang ‘in aid of legislation,’ sa pagkidnap ng aking ama, hanggang sa mga samu’t saring paratang na pilit inuulit-ulit hanggang magmukhang totoo,” sabi ng vice president sa kanyang unang press conference ngayong taon.

“Marahil ay matagal na rin akong hinatulan sa mata ng iilan. Hindi ako kailanman natakot sa pagsira nila ng pangalan ko ngunit may takot ako para sa ating mga anak, may takot ako para sa mga susunod na henerasyon,” sabi niya.

“Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malakasakit para sa Diyos, para sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino,” sabi niya. Halaw sa ulat ni VP Sara sa kanyang Facebook page video.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -