30.1 C
Manila
Sabado, Hunyo 13, 2026

Premium gas, diesel aabot sa P100 kada litro

- Advertisement -
- Advertisement -

TATAAS ang presyo ng diesel at premium gasoline ng hanggang P100 kada litro ngayong linggo habang ang mga kompanya ng langis ay patuloy na nagtataas dahil sa giyera sa Gitnang Silangan.

Ang malaking pagtaas ay sasabayan din ng taas ng singil sa mga jeepney at bus, kung kailangan.

Sinabi ng Department of Energy (DOE) nitong Lunes na pumayag ang mga oil companies na unti-unti ang ikalawang round ng pagtaas sa mga darating na linggo habang ang giyera sa Middle East ay hindi nakikitaan ng kagyat na paghinto nito.

Samantala, patuloy ang discounts sa langis para sa mga motorista.

Nakikipag-ugnayan ang DOE sa mga oil companies para masigurong tuloy-tuloy ang fuel discount programs para sa PUV drivers, TNVS drivers, delivery riders, at iba pang motorists, lalo na habang naaapektuhan ang global oil prices ng mga pangyayari sa Middle East.


Regular ding naglalabas ang DOE ng listahan ng mga gasolinahang may fuel discounts, tulad ng designated discount days, loyalty cards, at special promos.

Layunin nito na makatulong bawasan ang gastos sa fuel ng mga motorista na umaasa dito sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan.

Para makita ang buong listahan ng mga participating stations, simula Marso 11,  2026, tingnan dito:

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -