30.6 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

DMW: 317 Filipinos ligtas na nakarating mula Middle East lulan ng government-chartered flight

- Advertisement -
- Advertisement -

SANG-AYON sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tiyaking walang Pilipinong maiiwan, ligtas na nakarating sa Villamor Air Base ang 317 nating kababayan mula Middle East, sakay ng DMW-chartered flight TVR7734 na nagmula sa Dubai at Abu Dhabi.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na tulungan ang mga Pilipinong naapektuhan ng tensyon sa Gitnang Silangan, sinalubong ng Department of Migrant Workers (DMW), kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nitong Huwebes, Marso 19, 2026  ang 317 Pilipinong ligtas na nakabalik sa bansa sakay ng ikatlong chartered flight ng gobyerno.

Lumapag ang chartered plane sa Villamor Air Base sa Pasay City, sakay ang 153 overseas Filipino workers (OFWs) kasama ang kanilang 114 na dependent at 50 stranded na pasaherong Pilipino na piniling umuwi dahil sa patuloy na tensyon.


Noong Marso 5, iniulat ng DMW na mahigit 1,700 na mga OFW at kanilang mga dependent ang nakabalik na sa bansa sa ilalim ng pagsisikap ng buong gobyerno na mapauwi ang mga ito. Halaw  sa ulat ng Presidential News Desk

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -