ANG Huwebes Santo ay simula ng Paschal Triduum, ang tatlong-araw na liturgical period mula Huwebes Santo ng gabi hanggang Easter Sunday ng gabi, habang inaalala ang paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ito ang pinakasagradong panahon sa kalendaryo ng mga Kristiyano.

Tuwing Huwebes Santo, inaalala ang Paghuhugas ng Paa ng mga Apostol ni Hesukristo, gayundin ang Pagtatatag ng Banal na Eukaristiya sa kanyang Huling Hapunan.
Ginugunita sa araw na ito ang Huling Hapunan ni Hesus kung saan naganap ang Holy Communion bago ang pagkaaresto at pagpako sa kanya sa krus. Itinuro din dito ni Hesus ang bagong kautusan sa kanyang mga apostoles na “mahalin ang isa’t isa” pagkatapos ng paghuhugas ng kanilang mga paa.
Kilala din ang Huwebes Santo sa paghuhugas ng paa ng mga apostoles (washing of the feet) kung saan hinugasan, pinunasan at hinalikan ni Hesukristo ang mga paa ng kanyang mga hinirang na apostoles. Ginugunita ito sa Huwebes Santo kung saan ang nagmimisang padre ang gumagawa ng ginawa noon ni Hesukristo. Ito ang halimbawa ni Hesus ng pagpapakumbaba at serbisyo sa kapwa.
Pagkatapos ng misa, karaniwang may prosisyon kung saan dinadala ng pari ang Santisimo Sakramento kasama ang ilang mga santo at sinisimulan ang pagtatanod sa Santisimo Sakramento sa Altar ng Repositoryo.
- Advertisement -

