29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Gatchalian: Suporta para sa mga survivor ng child trafficking, sexual abuse patuloy na titiyakin

- Advertisement -
- Advertisement -

TINIYAK ni Senador Win Gatchalian na magpapatuloy ang suporta para sa pagbangon ng tinatawag na mga ‘vulnerable children,’ kabilang na ang children in conflict with the law o CICL at mga batang naging biktima ng pang-aabuso tulad ng sexual abuse at human trafficking.

Inihayag ito ni Gatchalian kasunod ng kanyang pagbisita sa mga residential care facilities ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Muntinlupa kahapon. “Tuloy-tuloy ang pakikipaglaban natin para sa kinabukasan ng mga kabataang naabuso at nawalan ng tahanan. Dapat silang bigyan ng pag-asa sa buhay sa kabila ng kanilang pinagdaanan,” ani Gatchalian na piniling ipagdiwang ang kanyang kaarawan, Abril 6, kasama ang mga residente ng pasilidad. Nagbigay din ang senador ng pagkain at mga regalo sa kanila.

Sa ilalim ng 2026 national budget, P24.654 milyon ang nakalaan para sa recovery at reintegration ng mga biktima ng human trafficking, samantalang P275 milyon naman ang nakalaan para sa pagpapatayo ng lima pang karagdagang Bahay Pag-Asa facilities para sa mga CICL.

Ang Haven for Children ay tahanan ng mga lalaking street children na 7 hanggang 13 taong gulang na napabayaan at naabuso, kung saan ang iba sa kanila ay nalulong sa droga. Ang Marillac Hills National Training School for Girls (NTSG) naman ay tahanan para mga batang babaeng 7 hanggang 17 taong gulang na mga biktima at survivors ng sexual abuse at human trafficking, kabilang ang commercial at sexual exploitation ng mga bata. Nagsisilbing tahanan din ng mga CICL ang naturang pasilidad.

Nagpamahagi din si Gatchalian ng food packs sa Haven for Women na nagsisilbing tahanan ng mga nakatatandang mga babae at kanilang mga dependent na victim-survivors ng gender-based violence.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -