28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Pamahalaan, bibilhin ang sobra-sobrang ani ng mga magsasaka upang maiwasan ang pagkalugi — Pangulong Marcos

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG tugunan ang suliranin ng mga magsasakang napipilitang itapon ang kanilang ani dahil sa sobrang pagbaba ng presyo, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bibilhin ng Department of Agriculture (DA) ang mga sobrang produksyon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Pangulong Marcos na makikipagtulungan na rin ang pamahalaan sa mga LGU para mabili ang sobrang produksiyon at hindi masayang.

“Ang pamahalaan ang sasalo nito para hindi masayang ang ani, hindi malugi ang ating mga magsasaka at mapapakinabangan naman ng ating mga namimili,” diin ng Pangulo.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na palalawakin ang Bentang Bigas Program sa kapakinabangan ng mas marami.

“Para sa mas maraming makinabang, papalawakin pa natin ang Benteng Bigas program. Dadamihan ang tindahan, habaan ang oras ng pagbenta, lalo na para sa ating mga senior citizen, para sa ating PWD at siyempre mga single parent,” diin ng Pangulo.

Upang mapababa ang presyo ng pagkain, binanggit rin ng Pangulo na ibinaba o sinuspinde ng pamahalaan ang ilang bayarin sa mga pantalan kabilang ang anchorage, berthing, handling, at storage fees.

“Ibababa din natin ang gastos ng pagdaan ng pagkain mula sa pantalan hanggang sa merkado. Sa Cebu Ports Authority, sa Subic Bay binawasan at sinuspinde rin ang ibat-ibang binabayad na mga fee para ito ay maramdaman ng tao. Kahit tumataas ang ibang produkto, ‘di masyadong mabilis ang pagtaas, at least mapigil ang pagtaas,” ayon sa Pangulo.

Habang ang Philippine Ports Authority naman ay nagbaba sa piso ng RoRo fee para sa mga sasakyang nagdadala ng produktong agrikultural.

“Dahil layunin natin na panatilihing sapat ang supply, tigilan ang pagtaas ng presyo, at tiyaking tuloy-tuloy ang hanapbuhay ng ating mga kababayan. Hindi tayo titigil hanggang maramdaman ninyo ang tunay na ginhawa sa inyong pang-araw-araw na buhay,” ayon pa sa Pangulo. | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -