26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Imee: DOE gising, ngayon pa kayo tutulog-tulog?

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIRA ni Senador Imee Marcos ang Department of Energy (DOE) matapos nitong magpatupad ng sariling 2-day onsite work kada linggo na 50% o kalahati lang ng mga empleyado ang pisikal na pumapasok.

Ayon kay Marcos, habang lumalala ang krisis sa enerhiya at tumataas ang presyo ng langis, tila nawawala naman sa eksena ang mismong ahensyang dapat nangunguna sa paghahanap ng solusyon.

“DOE, gising! Kung sino pa dapat kumikilos, sila pa ang missing in action! Ano ba naman kayo!? Kayo lang sa buong gobyerno ang ganyan,” banat ng senador.

“Hindi dahil summer, makikisabay kayo sa bakasyon! Sana all papetiks-petiks lang!” dagdag niya.

Giit pa niya, malinaw ang inilabas na direktiba mula sa Malacañang hinggil sa four-day work week bilang hakbang para makatipid sa enerhiya -hindi para gawing “half-day government” ang serbisyo publiko. Dagdag pa ng senador, sa kabila ng panawagan ng pamahalaan ang pribadong sektor ay nananatili pa ring Lunes hanggang Biyernes ang pasok.

“Habang naka-relax sa two-day work set-up ang DOE, yung mga ordinaryong mangggawa tila hindi na magawang makakain at makapagpahinga nang maayos!”

Kinuwestyon din ni Marcos kung tinatakasan na umano ng DOE ang kanilang mandato sa gitna ng krisis.

“Iniisip ko tuloy—tinataguan niyo ba ang responsibilidad niyo? Kung hindi niyo kayang panindigan ‘yang mga posisyon niyo, magbitiw na lang kayo!” matapang na pahayag ng senador.

Binigyang-diin ni Marcos na sa panahon ng krisis, mas kailangan ang presensya, aksyon, at liderato ng ahensya ng DOE, hindi bawas-oras at bawas-tao.

“Ano na, DOE? Ngayon pa talaga kayo nawalan ng energy magtrabaho?”, patutsada ng senador.

“Hindi puwedeng kalahati ang pasok, kalahati rin ang solusyon. Buong trabaho ang kailangan ng taumbayan,” pagtatapos niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -