31.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 13, 2026

PBBM pinangunahan ang panunumpa ng 2.1 K Eastern Visayas teachers, nangako ng career advancement para sa lahat ng mga guro

- Advertisement -
- Advertisement -

“UULITIN ko po, wala ng teacher na mag re-retire na Teacher 1.”

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules nang pangunaan niya ang oath-taking ng mga guro sa Tacloban City Convention Center., kasabay ng pagpapalakas ng career progression ng mga ito sa pamamagitan ng mas maraming oportunidad, mas mataas na kita, at mas matibay na suporta.

Mahigit 2,100 bagong promoted na guro at punong-guro sa Eastern Visayas ang sabay-sabay na nanumpa sa kanilang tungkulin, bilang hudyat ng mas malinaw na professional development at career advancement.

“Let me add my congratulations to all of you on this career milestone. Enjoy this day. You have toiled hard to get here,” sabi ni Pangulong Marcos.


“The nation, the entire Filipino nation, joins you in recognizing your achievements and affirms the greater responsibility that we have entrusted to you. Ang mga tinuturuan ninyo ngayon ang susunod na mga inhinyero, mga doktor, mga guro, propesyonal, manggagawa, at mga lider ng ating bansa,” dagdag ng Pangulo.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kanyang walang humpay na pagsisikap na tugunan ang maraming hadlang sa paglago ng karera ng mga guro, binanggit ang implementasyon ng Expanded Career Progression (ECP) System para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Pinapayagan ng ECP ang mga guro na ma-promote batay sa merito at kakayahan, sa halip na maghintay para sa isang bakanteng posisyon. Nagbibigay din ito ng dalawang magkaibang career track—Pagtuturo sa Klasrum at Administrasyon ng Paaralan—na nag-aalok ng mas malinaw na mga landas para sa propesyonal na paglago.

” For many, many years, our public school teachers have faced many barriers to career growth. Our old system did not have the positions and clear pathways for advancement,” dagdag ng Pangulo, at binanggit na kahit ang paglipat mula sa Teacher I patungong Teacher III ay maaaring abutin ng ilang dekada, na magtutulak sa kanila na lumipat sa mga administratibong tungkulin para sa mas mataas na suweldo.

- Advertisement -

“That situation only worsens the shortage of teachers in the country [and] undermines the country’s overall educational system. Kaya’t sinabi ko na kailangang ipatupad ang Expanded Career Progression or ECP System para sa ating mga guro sa mga pampublikong paaralan” paliwanag ng Pangulo.

Sa ilalim ng ECP, may mga bagong posisyon na nilikha, kabilang ang Teacher IV-VII, Master Teacher V-VI, at School Principal V, upang mas mapaunlad ng mga guro ang kanilang mga karera nang may mas malinaw na direksyon.

Sa ngayon, mahigit 65,000 guro at pinuno ng paaralan ang na-promote simula noong Agosto 2025.

“All these promotions are well-deserved and will provide stability for our educators as they advance in their careers. Marami pa po tayong ipo-promote sa mga darating na buwan,” pagtatapos ng Pangulo. Halaw sa ulat ng Presidential News Desk

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -