26.6 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Imee: Itodo na ang tulong sa tao

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG-DIIN ni Senador Imee Marcos sa pagdinig sa Senado na kailangan ng batas upang bigyan ang ehekutibo ng kapangyarihang ilipat, dagdagan, bawasan o palitan ang pondo ng bayan upang lubus-lubusin na ang tulong na maibigay sa tao ngayong krisis.

Ayon kay Marcos, halos dalawang buwan na ang giyera sa Iran ngunit mabagal pa rin ang galaw ng mga ahensiya.

“Tapatin niyo na lang kami – ano na bang naibigay, alin ang available pa at pwedeng ipamigay sa tao, at kung may maaasahan pa bang ayuda? Madali naming maisasabatas lahat yan, mahirap lang kung walang total transparency sa pondo ng bayan,” banat ng senador.

Lalong pinuna ni Marcos ang pagkaantala sa aksyon matapos aminin ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi pa nila naihahanda ang panukalang batas para sa realignment ng pondo ng mga ahensiya pantugon sa krisis.

“Puro na lang diskusyon! Hindi naman itong DBM memo circular na labag sa 2026 budget, state of emergency o UPLIFT na napakalabo ang kailangan – dapat batas! Mabilis lang naman magpasa ng batas tulad nung sa excise tax, ang dali lang naming trinabaho,” ani Marcos.

Ayon pa sa senador, halos mag-iisang buwan na mula nang naipasa ang batas sa excise tax pero hanggang ngayon wala pa ring bawas na maramdaman ang tao. “Agad nga naming ginawa ‘yan para makatulong sa tao, anong nangyari?”, tanong ng senador.

“Hindi nagkulang ang Senado sa pagtulong sa krisis. Sadyang kayo ang hindi kumikilos!” pagtatapos niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -