32.8 C
Manila
Huwebes, Hulyo 2, 2026

PBBM nakiusap ng pagkalma kasunod ng tensyon sa Senado; sinabing walang utos na arestuhin si Bato

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIUSAP si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging mahinahon kaugnay ng nangyaring kaguluhan sa Senado at tiniyak sa publiko na walang utos mula sa pamahalaan para magsagawa ng anumang operasyon sa loob ng Senado.

Inatasan na rin ng Pangulo ang magkatuwang na imbestigasyon ng Senado at PNP upang matukoy kung sino ang responsable sa insidente at kung may nagtatangkang maghasik ng kaguluhan o destabilisasyon.

Nanawagan din ang Pangulo sa sambayanan na manatiling kalmado habang kinokolekta ng mga awtoridad ang lahat ng ebidensya upang malaman ang buong katotohanan.

“We don’t know who tried to enter and then because of that there was a shooting, we will find out, we are taking and collecting that, all the evidence that is there. We need to know that. That’s why the Senate and the PNP (Philippine National Police) will investigate this together. I can only say that so that the people don’t worry, the government did not do this,” sabi ng Pangulo.

Tiniyak din ni Marcos sa publiko at kay Senator Ronald Dela Rosa na wala siyang utos na arestuhin ang senador kasunod ng utos ng Korte Suprema sa gobyerno na magbigay ng komento sa kanyang petisyon.


Idineklara si Dela Rosa na “wanted” ng International Criminal Court (ICC) at kinasuhan dahil sa umano’y kriminal na responsibilidad bilang isang “hindi direktang kasabwat” sa mga pagpatay na may kaugnayan sa madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte. Siya ay nasa ilalim ng protective custody ng Senado ngayon. Halaw sa ulat ng Presidential Communications Office at The Manila Times

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -