27.3 C
Manila
Linggo, Hulyo 5, 2026

Magpupulong ang Senado bilang impeachment court ngayon, Mayo 18

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING tiniyak ni Senate President Alan Peter Cayetano sa publiko na handa ang Senado na gampanan ang tungkulin nito sa konstitusyon at hindi ipagpapaliban ang proseso ng impeachment.

Sa kanyang Facebook live noong Biyernes, Mayo 15, 2026, sinabi ni Cayetano na ang mayoryang mga senador ay sumang-ayon na magpulong bilang isang impeachment court ngayon, Lunes, Mayo 18, 2026, upang simulan ang deliberasyon sa mga artikulo ng impeachment laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Ibinahagi ni Cayetano ang isang liham na ipinadala niya sa mga senador kung saan hinikayat niya ang kanyang mga kapwa mambabatas na dumalo sa paglilitis suot ang kanilang mga impeachment robe.

“The Senate shall convene as an impeachment court on 18 May 2026 at 3 p.m. in accordance with the applicable rules and procedure. You are hereby requested to be present at the session hall on the said date and time in observance of the solemnity of the proceedings and pursuant to the Senate rules of procedure impeachment trial,” ayon sa liham.

Isiniwalat ni Cayetano na nakausap na niya ang mga miyembro ng mayorya at lahat sila ay sumasang-ayon na ang mga patakarang mabuti para sa nakaraang impeachment ay mabuti rin para sa paglilitis sa Lunes.


Idinagdag niya na ang mga kopya ng mga artikulo ng impeachment ay naihatid na at natanggap na ng mga tanggapan ng 23 senador.

“Kung sino man ang nagpapakana ng narrative na kaya nagpalit ng leadership para i-delay yung impeachment, it is absolutely not true,” sabi ni Cayetano. Halaw mula sa ulat ng Senate of the Philippines

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -