UMABOT sa tatlo ang bilang ng mga namatay ayon sa ulat nitong Lunes dahil sa pagguho ng isang gusaling ginagawa sa Balibago, Pampanga nitong Sabado ng madaling araw, Mayo 24. Pinaniniwalaang may 17 katao pa ang pnawawala, ayon sa mga awtoridad.

Dalawang manggagawang naipit sa ilalim ng mga labi ang natagpuang buhay matapos gumuho ang siyam na palapag na istruktura, na tumama sa isang kalapit na hotel at ikinamatay ng isang Malaysian na bisita.
Ngunit ang dalawang manggagawang na-trap sa lugar sa Angeles, Pampanga ay namatay sa kabila ng mga pagsisikap na iligtas.

Personal na nagtungo si Public Works Secretary Vince Dizon sa gumuhong itinatayong 9-storey building sa Balibago, Pampanga nitong Sabado, May 24, bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhing makapagbigay ang ahensya ng kinakailangang tulong upang mapabalis ang rescue at clearing operations na isinisagawa ng lokal na pamahalaan ng Angeles, Bureau of Fire Protection at iba pang concerned agencies.

Agad na nagdeploy ng equipment ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kabilang na rito ang boom truck at tadano crane na nakahanda nang gamitin upang mas mapabilis ang operasyon sa lugar.

Ayon sa Kalihim magtatalaga rin ng technical team ang ahensya upang tumulong sa imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagguho. Mula sa ulat ng The Manila Times at Facebook post ng Department of Public Works and Highways

