32.3 C
Manila
Martes, Hunyo 23, 2026

Pahayag ni Sen Bong Go tungkol sa Tacloban school shooting

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIKIRAMAY ako sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi at mga nasugatan sa karumal-dumal na pamamaril ngayong araw (Hunyo 22) sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte. Bilang isang magulang, napakasakit tanggapin ang trahedyang ito, lalo na’t mga kabataan at mag-aaral ang naging biktima.

Bilang Chairman ng Senate Committee on Youth, mariin akong nananawagan sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng immediate and full investigation kung paano nakakuha at naipasok ang baril na dala ng mga suspek na pawang mga menor de edad. Nanawagan din ako sa ating mga kababayan na huwag magpakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon upang hindi madagdagan ang pangamba ng publiko.

Schools are supposed to be zones of peace and learning. It is deeply troubling that our students are exposed to such unnecessary risks instead of being able to focus on their studies. What is even more alarming are reports that the suspects themselves are minors.

Tututukan ko ang isyung ito. Kung merong dapat ayusin sa mga kasalukuyang batas, katulad ng Juvenile Justice and Welfare Act, as amended, at mga regulasyon, ayusin na natin ngayon. Huwag na nating hintayin pang merong panibagong trahedya na naman.

Samantala, nananatiling bukas ang aking tanggapan upang makapagbigay ng tulong sa mga magulang at kabataang apektado ng insidente, sa abot ng aming makakaya.


My prayers are with the eternal rest of those who lost their lives, and for the healing of those who sustained injuries and trauma. It is my earnest hope and prayer that we will uncover the truth behind this tragedy and ensure that such an incident will never happen again.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -