27.6 C
Manila
Lunes, Hulyo 6, 2026

VP Sara bumisita sa simbahan ng Archdiocesan Shrine of St Vincent Ferrer sa Bogo City, Cebu

- Advertisement -
- Advertisement -

BUMISITA si Vice President Sara Duterte sa Archdiocesan Shrine of St. Vincent Ferrer sa Bogo City, Cebu at ito ang kanyang ibinalita.

“Kasabay ng ating pagbisita sa Cebu Province noong mga nakaraang linggo, tinungo natin ang Archdiocesan Shrine of St. Vincent Ferrer sa Bogo City upang magsindi ng kandila at ipanalangin ang kapayapaan ng ating bansa at ang kaligtasan ng mga Pilipino, kabilang na ang mga nagtatrabaho at naninirahan sa ibang bansa.

“Kasama rin sa ating mga dasal ang pag-uwi ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ating bayan, maging ang tuloy-tuloy na pagbangon ng Bogo City mula sa iniwang pinsala ng malakas na lindol sa lugar noong nakaraang taon.

“Kapansin-pansin na bakas pa rin ang pinsala ng lindol sa kanilang simbahan, kaya pansamantala munang isinasagawa ang mga misa sa isang pansamantalang gusali sa loob ng compound ng simbahan.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -