ANG professional development ay tumutukoy sa pagtataglay ng kaalaman, kasanayan at karanasan sa pamamagitan ng pagpupunyaging patuloy na matuto, mahasa at makatulas ng bago at makabuluhan sa larangan. Ang mga sumusunod ay ilang tala ng mga mahahalaga at magkakadugtong na katanungan na kritikal sa professional development bilang adhikain, adbokasiya at aktibong pagganap.
- Ano ang iyong pangunahing motibasyon sa paghahangad ng professional success?
- Sa anong klaseng organizational structure, process at culture ka nakapaloob sa kasalukuyan?
- Kaugnay ng nauna, nakapag-aambag ba ang mga ito sa iyong personal at propesyonal na pagyabong?
- Ano-ano sa tingin mo ang iyong potensiyal at kalakasan sa personal at propesyonal na dimensyon?
- Kaugnay ng nauna, ano sa tingin mo ang iyong mga bulnerabilidad at kahinaan?
- Ano ang mga kaalaman, kasanayan at karanasan ang nais mong mapaunlad pa sa iyong sarili?
- Kaugnay ng nauna, ano ang pagkakasunod-sunod ng mga adhikaing ito batay sa kahalagahan (importance) at pagiging kagyat (urgency)?
- Nagtutugma ba ang iyong personal at professional goal?
- Kaugnay ng nauna, sa ano-anong mga aspekto sila nagtatambal?
- Ano ang iyong batayan ng pagtatakda at pagbabalangkas ng personal at professional goal?
- May timetable ka bang sinusunod sa iyong mga personal at professional goal?
- Ano ang iyong short-term (immediate), medium-term (intermediate) at long-term goals (ultimate)?
- Gaano kahalaga para sa iyo ng komunikasyon sa proseso ng pag-abot sa iyong hinahangad na tagumpay?
- Anong technical (hard) at people (soft) skills ang nais mo malinang bilang propesyonal sa larangan?
- Anong mga napapanahong kaaalaman at kasanayan ang nais mo matutunan upang hindi maging atrasado sa larangan?
- Kaugnay ng nauna, gaano kahalaga para sa iyo ang pakikipagkapwa?
- Ano para sa iyo ang kahulugan ng professionalism at professional success?
- Gaano ka na kalapit o kalayo mula sa iyong hinahangad na tagumpay?
- Anong panuntunan at panukat ang ginagamit mo sa ebalwasyon ng iyong professional development at professional success?
- Gaano ka kakuntento sa suportang ibinibigay sa iyo ng inyong pamunuan at mga kasama sa organisasyon?
- Nakatatanggap ka ba ng peer support mula sa iyong kinabibilangang institusyon?
- Ano-anong mga suporta ang iyong kasalukuyang tinatamasa?
- Ano-anong suporta naman ang iyong kinakailangan pero hindi tinatamasa?
- Sino-sino ang iyong mga itinuturing na modelo o exemplar sa larangan?
- Mayroon ka bang itinuturing na mentor sa iyong larangan?
- Nauunawaan mo ba ang papel na ginagampanan ng mentor at mentee sa larangan ng professional development?
- Ano para sa iyo ang katangian ng ideyal na mentor at mentee?
- May mga alternatibong pananaw ka bang nabubuo at nalilinang mula sa mentor-mentee relationship na ito?
- Ano ang mga alternatibong perspektibo na nabuo mula sa interaksyong ito?
- Ano ang humahadlang sa iyo na simulan ang iyong plano at adhikain sa propesyon?
- Ano ang sanhi ng iyong mga takot at alalahanin?
- Ano ang mga dahilan kung bakit wala kang motibasyon na subukan ang mga mas mabibigat at mapanghamong responsibilidad?
- Sa tingin mo, sa paanong paraan matutugunan ang mga pag-aalinlangan at alalahaning ito?
- Ano-ano ang mga itinuturing mong panloob at panlabas na balakid sa inyong kolektibong professional development?
- Anong mga bagay at usapin ang nanatiling hindi malinaw para sa iyo sa yugtong ito ng iyong professional career?
- Paano ang sistema mo ng pag-iisip at paglalatag ng solusyon sa mga pagsubok at problema?
- Anong mga estratehiya ang nasubukan mo na bilang interbensyon sa professional challenges?
- Ano ang naging matagumpay sa mga estratehiyang ito?
- Sa tingin mo, bakit naging matagumpay ang mga ito? Anong mga salik ang may kinalaman dito?
- Anong ang mga estratehiyang hindi naging matagumpay?
- Sa tingin mo, bakit hindi naging matagumpay ang mga ito? Anong mga salik ang may kinalaman dito?
- Ano ang iyong mga itinuturing na alternatibong estratehiya? Sa paanong paraan ito naging kontra-agos at hindi pangkaraniwan?
- Nagtatala ka ba ng iyong mga karanasan at repleksyon sa pamamagitan ng journaling?
- Paano mo mas nakikilala ang iyong sarili sa pamamagitan ng self-reflexive exercises kagaya ng journaling?
- Nasubukan mo na ba ang GROW model (goals, realities, options at ways forward)? Kung oo, paano ito nakatulong sa iyo?
- Mayroon bang umiiral na sistema ng pagpuna at pagpuna sa sarili (criticism and self-criticism) sa inyong organisasyon upang higit na bumuti ang bawat isa? Konstruktibo ba ang katangian ng mga ito?
- Paano mo tinatanaw at binibigyang kahulugan ang mga pagkakamali at pagkabigo sa larangan?
- Ano ang mga katangian mo bilang propesyonal na hindi nagbabago sa pagdaan ng panahon?
- Ano sa mga nanatiling katangiang ito ang itinuturing mong naging mabuti o masama ang epekto?
- Ano ang mga naging pagbabago sa katangian mo bilang propesyonal sa pagdaan ng panahon?
- Ano sa mga pagbabagong ito sa katangian mo ang itinuturing mong naging mabuti o masama ang epekto?
- Ano-ano ang iyong wishlist para sa sarili, kapwa at organisasyon upang magkaroon ng katuparan ang inyong professional at institutional goals?
- Nakapag-aambag ka ba sa professional development ng iyong kapwa? Kung oo, sa paanong mga paraan?
- Gaano kahalaga ang internal at external networking sa katuparan ng iyong mga adhikain? Nagtatambal ba ang dalawa?
- Kaugnay ng nauna, ano sa internal at external networking ang may mas malakas na katangian sa iyong propesyonal na sirkumstansya?
Bilang pagbubuo(d), mahalagang maunawaan na ang professional development ay kinapapalooban ng tambalan ng self-change, organizational change at societal change upang maging ganap, tagus-tagusan at pangmatagalan. Kaugnay nito, kailangan ding isaisip at isadamdamin na ang professional development ay hindi makasarili. Alinsunod sa kolektibismo at etika ng paggawa, ang professional development ay hindi dapat tinatanaw bilang isang porma ng pakikipagtagisan at pakikipag-ungusan. Naghahangad dapat ito lagi ng demokratiko at kolektibong pagyabong hindi lamang para sa sarili kundi maging sa kapwa at mas nakararami.
Para sa inyong reaksyon at pagbabahagi, maaari ring umugnay sa pamamagitan ng [email protected].

