MALAKI ang papel ng mga class adviser sa paggabay at paghubog sa ating mga estudyante. Kaya bukod sa pagbibigay ng maayos na espasyo para sa pagtuturo, kailangan din silang mabawasan ng mga gawaing administratibo at mabigyan ng sapat na suporta upang mas marami silang oras para tutukan ang kanilang mga mag-aaral.
Ayon kay EDCOM 2 Executive Director Dr. Karol Yee, ang mga class adviser ang ilan sa mga pinakamalapit sa mga estudyante dahil sila ang halos araw-araw na nakakasama ng mga ito. Dahil dito, mas madali nilang mapapansin kung may pagbabago sa kilos, asal, o kalagayan ng isang mag-aaral. Kaya mahalagang ma-empower ang ating mga class adviser at mabigyan sila ng sapat na panahon at suporta upang magabayan ang bawat estudyante at maagapan ang mga posibleng panganib.
Ang ligtas na paaralan ay nagsisimula sa pagbibigay ng sapat na oras, suporta, at kakayahan sa ating mga guro at class adviser upang mas mapangalagaan ang bawat mag-aaral. Pass School Safety Act now.



