29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Mga senador nagkakaisang sinusuportahan ang bukas na proseso ng pag-usisa ng 2026 National Budget — Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Senador Win Gatchalian na nagkakaisang nilagdaan at inihain ng lahat ng mga senador ang Senate Concurrent Resolution No. 4 na naglalayong patatagin ang proseso ng pag-usisa ng 2026 national budget sa pamamagitan ng mahigpit na mga panuntunan sa transparency at accountability upang matiyak na ang bawat pisong pondo ng bayan ay napangangalagaan, nagagamit nang wasto, at tumutugma sa tunay na mga prayoridad ng bansa.

Inaatasan ng resolusyong ito ang paglalathala ng lahat ng dokumentong may kaugnayan sa 2026 national budget sa mga website ng Senado at Kamara – mula sa inihandang budget ng mga ahensya hanggang sa mga pampublikong pagdinig, pati na sa Bicameral Conference hanggang sa pinal na bersyon ng General Appropriations Bill – bago ito isumite sa Pangulo.

“Ito ang magiging ‘golden age of transparency and accountability.’ Bilang chairman ng Finance Committee, hindi ako papayag ng anumang insertion sa budget. Sisiguraduhin ko rin na magiging mahigpit kami pagdating sa confidential funds,” sabi ng mambabatas.

Sa panahon ngayon, mayroon nang mga teknolohiyang nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng isang centralized, accessible, at searchable na platform para sa mga datos ng budget na sumusunod sa prinsipyo ng open government at digital governance,” ayon kay Gatchalian. Ngayon kasi aniya ay hindi madaling makakuha ng mga dokumentong may kaugnayan sa national budget.

“Ang ganitong reporma sa transparency ay magbibigay-daan sa publiko na isulong ang pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -