29.5 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

May pinansyal bang obligasyon ang magulang sa adult na anak?

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

UNCLE, nakakaawa yung parents ng kaopisina ko. Kasi hanggang ngayon daw, sinusuportahan pa rin nila ang may pamilya na nyang kapatid. Pati mga apo, tinutulungan nila sa tuition.

Ganun ba, Juan? Baka may kaya naman ang mga magulang nila.

Yun nga, Uncle. Matanda na rin sila at umaasa na lang sa kanilang maliit na pensyon kada buwan. Kaya sigurado ako na mahirap rin para sa kanila.

Tama ka dyan, Juan. Ang tanong ay ganito. May obligasyong pinansyal pa ba ang mga magulang sa kanilang mga adult na mga anak?

Dapat wala na. Basta ang mga anak ay nasa majority age na o nasa adulthood na o 18 years old, dapat sila ay may kakayanan ng buhayin ang kanilang sarili at maging self-sufficient na.


Wala naman talagang legal na obligasyon ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga adult na anak. Maliban na lamang kung may kapansanan o disability ang anak na mahihirapan talagang maging self-reliant.

Sa kultura nating mga Pilipino, malinaw na ginagawa ng magulang na tumulong sa anak mula sa isang moral na obligation bilang isang pamilya. Mahirap talagang tanggihan ang anak na kailangan ng tulong, kahit pa ano ang situwasyon ng magulang. Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay hindi matatawaran. Gusto ng mga magulang na gumanda ang buhay ng mga anak.

Pero dapat ang  pagtulong ng magulang ay sadyang nakatuon sa pagahon sa kanilang mga problema at hindi para turuan silang magkaroon ng maling pagtingin at paguugali tungkol sa pananalapi.

Sa mga magulang, bigyan ng halaga ang PONDO sa hangaring tulungan ang mga anak sa kanilang pamumuhay:

- Advertisement -

P- wedeng humindi. Ang mga anak ay kailangan maiintindihan na ang magulang ay maraming pangangailangan din- tumutulong din sa magulang, may sarili ding gastos, at maaring may financial goals din lalo na yung papunta na sa retirement. Mahirap pagsabay-sabayin ang mga Ito, lalo na kung sapat lang ang kinikita, wala ng kinikitang regular o umaasa na lang sa pensyon.

O- pen communication. Dapat bukas at tapat ang komunikasyon ng magulang at anak. Mahirap ang may tinatagong impormasyon o may hindi magandang track record ang anak sa pinansyal na aspeto ng buhay. Nagsisimula ang problema kapag hindi malinaw ang usapan at Hindi maiintindihan ang problemang bininigyan ng solusyon.

N- ever help na walang kondisyon. Kung handa ang magulang na magbigay ng kusa ng walang kabayaran, walang problema. Pero kung hindi at ang usapan ay utang ng anak sa magulang, mas magandang malinaw ang terms and conditions o kung may isang formal agreement na tinatanggap ng anak na humihingi ng tulong para walang hulaan sa ekspektasyon ng bawa’t isa.

D- o your math first. Dapat tingnan muna ng magulang ang sariling financial situation. Mahirap pilitin kung hindi talaga kaya at malulubog ka lang sa obligasyong hindi naman sa iyo. Magpapakatotoo lang sa mga situwasyong ganito. At kung hindi talaga kaya pagdating sa pera, pwede namang tumulong sa ibang paraan. Katulad ng pag-refer sa anak sa mga kakilalang may potensyal na tumulong o kaya trabaho o oportunidad na pwedeng magbigay ng karagdagang kita para sa pang-araw araw na pamumuhay.

O- k na turuan ang anak sa financial literacy. Kung may alam ang magulang sa financial education, turuan ang anak ng mga magagandang values sa pananalapi para maiwasan ang mga pinansyal na problema. Kung hindi naman, dapat matutong kumunsulta sa mga mas may kaalaman tulad ng mga financial advisers ng mga insurance companies o di kaya’y makinig sa ng vlogs ng mga financial gurus sa internet o magbasa ng mga artikulo o pananaliksik tungkol sa financial education.

Kaya Juan, kapag naging magulang ka na, mas mabuti na maturuan mo ang mga anak mo na maging self-sufficient at successful para mas ikaw ang mabigyan nila ng PONDO sa iyong pagtanda.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -