26.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 14, 2026

Bagong Tagapangulong Barrios-Taran, inilatag ang direksiyon ng kanyang pamumuno

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAPOS hiranging Komisyoner ng Wikang Tagalog at bagong Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Atty. Marites Barrios-Taran nitong Agosto 6, 2025, pormal niyang inilatag ang direksyon ng kanyang pamumuno sa harap ng mga kawani ng KWF sa naganap na lingguhang pagtataas ng watawat nitong Agosto 11, 2025.

Sa simula ng kanyang mensahe, ipinahayag niyang sa tagal ng kaniyang inilagi sa Komisyon ay naging pamilyar siya sa sistema at proseso mula sa pangangasiwa hanggang sa mga talakayan gaya sa pagbabalangkas ng mga patakarang pangwika.

Bunga nito, binigyang-diin niya ang hangaring pagtuunan ang pagbuo ng ortograpiya upang makatugon sa kahingian ng Batas Republika Blg. 12027 na nagpatigil sa paggamit ng Mother Tongue bilang midyum ng pagtuturo mula Kinder hanggang Grade 3, isulong ang Batas Republika Blg. 11106 na nagdeklara sa Filipino Sign Language bilang pambansang sign language, at pagpapasigla sa mga Sentro ng Wika at Kultura sa bansa. At upang makamit ito, isasagawa ang pagpapatupad sa tungkulin ng sumusunod sa Misyon, Bisyon, at Tunguhin ng Komisyon.

Isinaad din ni Taran na maisasagawa ang lahat ng ito gamit ang limang haligi ng serbisyong pangwika. Una ang saliksik-wika na nakatuon sa saliksik. Ikalawa ang sagip-wika na nakasentro sa pagsagip sa mga nanganganib na wika. Ikatlo ang sulong-wika na nakatuon sa promosyon ng mga gawaing pangwika. Ikaapat ang salin-wika na layong maisalin ng mga sangay ng pamahalaan ang iba’t ibang pamantayan at mga gabay ng mamamayan. Ikalima ang sinop-wika na magiging repositoryo ng lahat ng etnolinggwistikong dokumentasyon.

Layunin din na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay mapalakas pa lalo ang Yunit ng Filipino Sign Language at makikilahok sa mga pragmatikong usapin ng mga katutubo upang matugunan ang kanilang pangngailangan at pagsalba sa kanilang wika at kultura.

Hiniling niya ang kooperasyon ng Kalupunan at mga kawani sa pagtatapos ng kaniyang mensahe.

mumuno

Matapos hiranging Komisyoner ng Wikang Tagalog at bagong Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Atty. Marites A. Barrios-Taran nitong 6 Agosto 2025, pormal niyang inilatag ang tinatanaw na direksyon ng kaniyang pamumuno sa harap ng mga kawani ng KWF sa naganap na lingguhang pagtataas ng watawat nitong 11 Agosto 2025.

Sa simula ng kaniyang mensahe, ipinahayag niyang sa tagal ng kaniyang inilagi sa Komisyon ay naging pamilyar siya sa sistema at proseso mula sa pangangasiwa hanggang sa mga talakayan gaya sa pagbabalangkas ng mga patakarang pangwika.

Bunga nito, binigyang-diin niya ang hangaring pagtuunan ang pagbuo ng ortograpiya upang makatugon sa kahingian ng Batas Republika Blg. 12027 na nagpatigil sa paggamit ng Mother Tongue bilang midyum ng pagtuturo mula Kinder hanggang Grade 3, isulong ang Batas Republika Blg. 11106 na nagdeklara sa Filipino Sign Language bilang pambansang sign language, at pagpapasigla sa mga Sentro ng Wika at Kultura sa bansa. At upang makamit ito, isasagawa ang pagpapatupad sa tungkulin ng sumusunod sa Misyon, Bisyon, at Tunguhin ng Komisyon.

Isinaad din ni Taran na maisasagawa ang lahat ng ito gamit ang limang haligi ng serbisyong pangwika. Una ang saliksik-wika na nakatuon sa saliksik. Ikalawa ang sagip-wika na nakasentro sa pagsagip sa mga nanganganib na wika. Ikatlo ang sulong-wika na nakatuon sa promosyon ng mga gawaing pangwika. Ikaapat ang salin-wika na layong maisalin ng mga sangay ng pamahalaan ang iba’t ibang pamantayan at mga gabay ng mamamayan. Ikalima ang sinop-wika na magiging repositoryo ng lahat ng etnolinggwistikong dokumentasyon.

Layunin din na sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay mapalakas pa lalo ang Yunit ng Filipino Sign Language at makikilahok sa mga pragmatikong usapin ng mga katutubo upang matugunan ang kanilang pangngailangan at pagsalba sa kanilang wika at kultura.

Bagong Tagapangulong Taran, Inilatag ang Direksiyon ng Kaniyang Pamumuno