34.9 C
Manila
Sabado, Hunyo 20, 2026

Cayetano: Tagumpay ay tiyak kung nakaugat sa gabay ng Diyos

- Advertisement -
- Advertisement -

HINDI aksidente ang tagumpay — bunga  ito ng pananampalataya, disiplina, at pananagutan.

Ito ang mensahe ni Senator Alan Peter Cayetano sa kanyang ‘CIA 365 with Kuya Alan’ nitong August 31, kung saan pinaalalahanan niya ang mga Pilipino na huwag mawalan ng tiwala sa Diyos sa gitna ng pinakamabibigat na pagsubok sa buhay.

Binanggit niya ang sakripisyo ng mga overseas Filipino workers (OFWs), lalo na ang mga kasambahay sa Hong Kong, na nagtitiis ng hirap pero madalas nadidismaya dahil hindi napapakinabangan ng tama ang kanilang pinapadala sa pamilya.

“Whatever you’re going through, don’t ever think God is not there and not with you… Sa mga pinagdadaanan namin na challenges ngayon, kung ano man ang pakiramdam namin ngayon, we know we’re not alone,” wika niya.

Hango sa aral ni Dr. Myles Munroe, ipinaliwanag ng senador na ang tagumpay o pagkabigo ay nakabatay sa pagsunod sa mga prinsipyo ng Diyos.

Kasabay nito, binatikos niya ang mga ulat ng korapsyon sa flood control projects, kabilang ang mga nadiskubreng “ghost projects.”

“Shocking pero hindi nakakapagtaka… Nakaka-shock na in this day and age, pwede nang ghost [ang flood control projects],” wika niya.

Hinimok din ni Cayetano ang publiko na ipagdasal ang nalalapit na pagdinig ng Senado na pamumunuan ni Senador Marcoleta, pati na rin ang pagpili ng bagong Ombudsman ng Judicial and Bar Council (JBC).

“Withhold judgment until the end… Demand transparency, and demand na lumabas lahat [ng katiwalian sa pamahalaan],” wika niya.

Sa kabila ng mga isyu, nagpaalala si Cayetano na ang tunay na daan tungo sa pagbabago ng bayan ay nakaugat sa pagsisisi, pananagutan, at disiplina.

“I believe na kung tama yung repentance, tama y’ung reaction natin, tama y’ung pag-impose natin ng consequences… maitatama natin ang daan o ating direksyon,” wika niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -