34.9 C
Manila
Sabado, Hunyo 20, 2026

Smartphone ban sa mga paaralan muling isinusulong ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

KASUNOD ng pagsasabatas ng South Korea ng pagbabawal sa paggamit ng mga smartphone sa silid-aralan, muling isinulong ni Senador Win Gatchalian ang parehong panukala para sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.

Unang inihain ni Gatchalian ang Electronic Gadget-Free Schools Act noong nakaraang 19th Congress. Muli niyang inihain ang panukalang batas ngayong 20th Congress. Sa ilalim ng naturang panukala, imamandato sa Department of Education ang pagpapatupad ng mga pamantayang magbabawal sa paggamit ng mga smartphone at iba pang electronic gadgets sa oras ng klase. Saklaw ng isinusulong na ban ang mga guro at mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School.

Ngunit may mga exceptions na nakasaad sa panukalang batas: kapag kailangang gamitin ito sa classroom presentations, kung may kinalaman sa kalusugan kagaya ng mga kondisyong nangailangan ng electronic gadgets, at kung kinakailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral o mga emergency situation.

“Isinusulong nating ipagbawal ang mga smartphones sa oras ng klase upang hindi maabala ang ating mga mag-aaral. Nais nating paigtingin ang pagtutok ng ating mga mag-aaral sa kanilang aralin,” sabi ni Gatchalian, vice chairman ng Senate Committee on Basic Education.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -