35.1 C
Manila
Sabado, Hunyo 20, 2026

Mga dahilan kung bakit umakyat ang NG fiscal deficit noong unang kalahati ng 2025 kumpara sa nakaraang taon

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

UMAKYAT ang National Government (NG) fiscal deficit noong unang kalahati ng 2025 kumpara sa nakaraang taon. Anu-ano ang mga dahilan nito?

Umakyat ang deficit ng National Government (NG) sa P749.7 bilyon noong unang kalahati ng 2025, 22.1% na mas mataas kaysa noong kaparehong period noong 2024. (Table 1) Ngunit mas mababa ito kaysa sa projection na P760.7 bilyon para sa period na ito. (Table 2)

Bumagal ang pag-akyat ang revenues ng NG sa antas na 5.1% kumpara sa 15.6% noong nakaraang taon. Mas mababa rin ito kaysa sa 7.6% na paglago ng nominal GDP.  Ngunit natumbok naman nito ang projection na 5.1% increase sa buong taon ng 2025. Bumaba nang bahagya ang revenue effort sa 16.7% noong unang kalahati ng taon mula sa 17.0% noong nakaraang taon. Di ito nakababahala dahil naka-project ang 0.7 percentage point na pagbaba ng revenue effort sa taong ito. May nonrecurrent nontax revenues noong nakaraang taon na hindi na makokolekta sa 2025.

Tumaas ang tax revenues ng 10.7% mula P1,835.4 bilyon sa P2,032.5 bilyon; halos nadoble nito ang 7.6% na paglago ng ekonomiya. Ang paglago ay dahil sa revenue enhancement measures gaya ng kampanya laban sa paggamit ng pekeng resibo, paglaban sa illicit trade, digitalization, at tax payment facilitation.

Sa kabuuan, mahusay ang efficiency level ng tax collection agencies. Ang  Ang pinakamalaking paglago ng koleksyon ng BIR na 14.1%, mas mataas  kaysa GDP growth. Ngunit ang koleksyon ng BOC ay tumaas lamang  ng 4.5%, mas mabagal kumpara sa 14.7% na paglago ng dutiable at taxable imports. Ang dahilan ay ang 16.2% na pagbaba ng halaga ng imports ng refined petroleum fuels and oils  na kung saan nakokolekta ang halos kalahati ng koleksyon ng BOC. Bumaba ang presyo at volume ng refined petroleum product imports noong unang dalawang quarters.


Dumausdos ang koleksyon ng other offices na nagpakita ng mas mababang koleksyon kaysa noong nakaraang taon. Kabilang sa  koleksyon ng other offices ang motor vehicle taxes na kinokolekta ng Land Transportation Office (LTO), at ang forest product taxes ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang narehistrong sasakyan noong unang kalahati ng 2026  dahil sa 2.2% na pagbagsak ng imports ng motor vehicles noong last quarter ng 2024 at unang quarter ng 2025. Ayon pa rin sa PSA, bumaba ang forestry production ng 9.6% sa unang kalahati ng taon.

Pagkatapos magpakita ng malaking paglago noong nakaraang taon dahil sa nonrecurrent na koleksyon,  ang non-tax revenues ay bumagsak ng 27.5%. Ang dahilan ay ang mga nonrecurrent revenues na nakolekta noong nakaraang taon.

Sa kabilang dako, tumaas ng 8.9% ang expenditures, mas mababa kaysa sa nominal GDP growth at sa nakaprogramang P3,041.3 bilyon . Ito ang dahilan upang bumaba ang expenditure effort sa 22.2% kumpara sa 22.4% noong nakaraang taon. Mas mabilis ang paggasta noong unang quarter ng taon dahil kailangang magawa ang karamihan sa mga proyekto bago mag-implementa ng public works ban sa panahon ng eleksyon. Ngunit bumagal naman ito noong Abril at Mayo sa kalagitnaan ng kampanya sa eleksyon. Masigla ang paglago ng other expenditures kasama ang capital outlays sa antas na  39.0% at allotments to LGUs sa antas na 10.6%.  Bumaba ang interest expense ng -9.5% dahil sa bumababang interest rates at ang mas mababang deficit kaysa sa programa.

Ang mga shortfall sa revenues ay dahil sa mas mababa ang nominal GDP kaysa sa projection ng P91.0 bilyon. Lumago ang ekonomiya ng 5.5% sa halip na ang original program na 6.0%. Nawalan ang BIR ng P14 bilyon dahil dito. Nawalan naman ang BOC ng higit sa P30 bilyon dahil sa mababang presyo ng langis.  Maaari pa namang humabol ang ekonomiya sa mga susunod na quarter dahil sa pababa na ang interest rates at inaasahang bibilis ang takbo ng ekonomiya.

- Advertisement -

Sa buong taon ng 2025, ang revenue target ng NG ay P4.644 trilyon, 5.1% na mas mataas kaysa sa aktuwal na P4,419.0 trilyon noong 2024. Ang BIR target ay P3.232 trilyon, 13.3% na mas mataas kaysa sa 2024 na koleksyon.  Ang BOC target ay P1.06 trilyon, 15.6% na mas mataas kaysa sa 2024 na koleksyon.

Tatlong new tax measures ang inaasahan sa 2025 hanggang 2028—ang excise tax sa single-use plastics (SUPs), Package 4 ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) kung saan kasama ang rationalization ng mining fiscal regime, at ang reporma  sa motor vehicle users’ charge (MVUC).

Table 1. FISCAL PERFORMANCE          JANUARY-JUNE          JANUARY-JUNE CHANGE
(in P Billion) 2023 2024 2025 vs 2024
% Growth
TOTAL REVENUES 2,149.5 2,260.2 5.1%
   % of GDP 17.0% 16.7%  
TAX REVENUES 1,835.4 2,032.5 10.7%
    % of GDP 14.6% 15.0%  
     BIR 1,362.0 1,554.2 14.1%
     BOC 455.5 471.0 3.4%
     OTHER OFFICES 17.8 7.4 -58.6%
NON-TAX REVENUES 314.2 227.7 -27.5%
EXPENDITURES 2,763.5 3,009.9 8.9%
    % of GDP 21.9% 22.2%  
    Allotments to LGUs 926.1 1,024.1 10.6%
    Interest expense 451.3 408.7 -9.5%
    Others 1,428.7 1,985.9 39.0%
NG BALANCE (613.9) (749.7) 22.1%
    % of GDP -4.9% -5.5%  
Nominal GDP 12,613.9 13,547.2 7.4%
Source: Bureau of the Treasury

 

Table 2. ASSESSMENT OF FISCAL PERFORMANCE
(in P Billion) JANUARY-JUNE          JANUARY-JUNE Excess/
Program Actual (Shortfall)
TOTAL REVENUES 2,280.6 2,260.2 (20.4)
   % of GDP 16.8% 16.7% -0.1%
TAX REVENUES 2,039.7 2,032.5 (7.2)
    % of GDP 15.0% 15.0% 0.0%
     BIR 1,578.2 1,554.2 (24.1)
     BOC 461.4 471.0 9.5
     OTHER OFFICES            18.7 7.4 (11.3)
NON-TAX REVENUES 240.9 227.7 50.7
EXPENDITURES 3,041.3 3,009.9 (31.4)
    % of GDP 22.4% 22.2% -0.2%
    Allotments to LGUs 569.3 571.3 2.0
    Interest expense 417.0 408.7 (8.4)
    Others 2,055.0 1,923.7 (131.3)
NG BALANCE (760.7) (478.8) 281.9
    % of GDP -5.6% -5.5% 0.1%
Nominal GDP     13,638.2 13,547.2 (91.0)
Source: Department of Finance
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -