26.1 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Phivolcs: Lindol sa Cebu, La Union at Davao del Norte, di konektado sa isa’t isa

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAPOS ang magkasunod na 6.9-magnitude na lindol sa northern Cebu nitong Setyembre 30 at 4.4-magnitude na lindol sa lalawigan ng Pugo, La Union nitong Oktubre 8, niyanig ang Manay, Davao del Norte ng malakas na 7.4-magnitude na lindol kahapon, Oktubre 10 sa ganap na 9:43 a.m. na sinundan ng 6.9-aftershock bandang 7:00 p.m. sa Davao City at iba pang mga siyudad sa Mindanao.

Paliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa pamamagitan ni Director Dr. Teresito Bacolcol, “Wala po silang koneksyon, it’s just that we have 180 active fault segments and we also have 6 trenches and there’s this always a possibility na sabay-sabay yan gumalaw…hindi naman sabay-sabay na 180 lahat but there’s this possibility na 1 or 2 or more active faults would generate earthquakes.”

Dagdag pa ni Bacolcol, bawat isa sa mga lindol na ito ay nagmula sa magkakaibang fault lines, kaya hindi maaaring ituring na magkakaugnay.

Sinabi rin ng Philvolcs na normal ang sunud-sunod na lindol sa Pilipinas dahil ang bansa ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire, isang rehiyon sa mundo na kilala sa madalas na pagyanig at aktibidad ng bulkan. Ang ganitong pangyayari ay bahagi ng likas na kalikasan ng Pilipinas.


Idinagdag pa ni Bacolcol na nakararanas ang bansa ng lindol araw-araw, na may tinatayang 30 beses na nitatala araw-araw.

Idinagdag pa ni Bacolcol na ang lindol ay hindi nahuhulaan at maaaring mangyari kahit kailan at kahit saan.

“Earthquakes don’t operate on schedule…tapos na kami rito oh kayo naman, ibang lugar naman….so they are random events and they happen anytime, anywhere so that’s the reason why we have to prepare,” sabi ni Bacolcol.

Ayon kay Bacolcol, ang pagyanig ng  Davao Oriental ay dahil sa Philippine Trench na gumagalaw vertically.

- Advertisement -

“Dito sa magnitude 7.4 that was generated by the Philippine trench, ang motion dito ay vertical, kaya nga delikado yung vertical motion especially kapag nasa dagat kasi it may produce tsunamis. Dito sa Bogo City, ang motion natin is horizontal, although along the fault may vertical displacements but generally is horizontal.”

Kasunod ng aftershock, nag-isyu ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tsunami warning at hinikayat ang mga tao na naninirahan malapit sa coastal area ng Surigao del Sur, Davao Oriental at Surigao del Norte na lumikas sa mas mataas na lugar o lumipat sa loob ng siyudad.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -