27.9 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

VP Sara binisita ang mga apektadong residente dahil sa lindol

- Advertisement -
- Advertisement -

PERSONAL na tumungo si Vice President Sara Dutete sa Mati City, Davao Oriental upang mabisita at damayan ang ating mga kababayang labis na naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol, na yumanig sa Davao Region noong Oktubre 10, 2025.

Personal din siyang nakiramay sa mga naulilang pamilya ng isang 53-anyos na babaeng nasawi matapos mabagsakan ng gumuhong bahay sa naturang syudad.

Sabi ng Vice President, “Pinaalalahanan natin ang publiko na palaging magkaroon ng presence of mind at ihanda ang kani-kanilang Go Bags na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan upang magamit sa panahon ng mga sakuna tulad ng paglindol.

“Ang kahandaan ay isang malaking hakbang tungo sa kaligtasan ng ating pamilya.

“Sa ganitong mga panahon ng pagsubok, nawa’y magkaisa tayo bilang isang Pilipino — magdamayan, magtulungan, at magmalasakit sa isa’t isa.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -