ITINAAS ng DOST-PHIVOLCS ang alert status ng Mayon Volcano sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagguho ng lava dome, paglitaw ng lava extrusion, at pagbuo ng pyroclastic density currents (PDCs).

Mahigpit na ipinapayo ang paglikas sa loob ng 6-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at ang patuloy na pagbabantay laban sa lava flows, PDCs/uson, rockfalls, lahar, at ashfall—lalo na sa timog na bahagi ng bulkan.
Manatiling alerto at sumunod sa abiso ng mga awtoridad.
#MayonVolcano #AlertLevel3 #PHIVOLCS #DisasterPreparedness
- Advertisement -

