26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Pahayag ni Sen Kiko Pangilinan sa ₱1,000-per-kilo presyo ng siling labuyo

- Advertisement -
- Advertisement -

MAANGHANG na naman ang presyo ng mga sili (labuyo, pansigang, o bell pepper). Basic kasi: Pag maulan, konti ang suplay, kaya mataas ang presyo.

Mahigit dalawang bilyong piso ang nakalaan sa 2026 national budget para sa high-value crops tulad ng sili. Sinusuportahan natin ang Kagawaran ng Agrikultura sa kanilang mga solusyon sa pagpapababa ng tumataas na namang presyo ng sili: Magtanim sa mas maraming lugar, ‘di lang sa Bicol; salagin ang bagyo ng mga greenhouse at tamang imbakan para sa sili, at taymingan (set timing) ang pagtatanim at pag-aani ng sili. Makakatulong ang pagkuha ng tama at makabuluhang datos para di naman tayo nagugulat.

Amuin natin ang sumpunging presyo ng mga pagkain sa pamamagitan ng mas masusing plano sa pagtatanim, sa binhi, sa imprastruktura, at sa regular na pag-update sa taumbayan ng suplay at presyo ng nasabing pananim.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -