MASAYANG ininalita ni Senator Bam Aquino sa kanyang opisyal na Facebook page na P67 bilyon na ang pondo para sa libreng kolehiyo sa taong 2026.
Aniya, “Noong Enero 2025, habang nasa kampanya pa lamang, malinaw na ang aking paninindigan: Hindi katanggap-tanggap na pababa ang pondo sa Libreng Kolehiyo. Napakahirap ipaglaban at maisabatas ang programang ito na isinulong ko noong una kong termino sa Senado, kaya hindi kailanman dapat pabayaan o pababain ang budget nito.

“Pagkalipas ng isang taon, at sa aking pagbabalik sa Senado, malinaw ang naging resulta. Enero 2026:P67 B na ang pondo para sa Libreng Kolehiyo. Magbibigay ito ng pagkakataon sa maraming kabataang Pilipino na makapag-aral, at makatulong din sa kanilang mga pamilya. Para sa mga estudyante at sa kanilang kinabukasan, tuloy ang laban.”



