PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang pagpupulong kasama ang National Museum of the Philippines kaugnay ng panukalang Rizal Exhibition Hall sa loob ng National Museum Complex sa Rizal Park, Maynila.

Ang pinaplanong gusali ay alinsunod sa Master Plan ng National Museum Complex, at ang disenyo nito ay nakaayon sa Burnham Plan for Manila na ginawa pa noong 1905.

Kapag naisakatuparan, ang Rizal Exhibition Hall ay magsisilbing purpose-built exhibition hall na magpapalawak ng exhibition space ng museo at magpapataas ng kakayahan ng National Museum Complex na tumanggap ng hanggang 5 milyong bisita bawat taon, upang mas maraming Pilipino ang makinabang sa sining, kultura, at kasaysayan ng bansa.



