26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Lacson, pinuri ang ‘quiet diplomacy’ ni DFA Sec Lazaro sa pagtitiyak ng ligtas na pagdaan sa Strait of Hormuz

- Advertisement -
- Advertisement -

PINURI ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Biyernes si Department of Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro sa kanyang “quiet diplomacy” na nagtiyak ng ligtas na pagdaan sa Strait of Hormuz ng mga Philippine-flagged vessels, energy shipments, at mga Pilipinong marino.

Binigyang-diin ni Lacson ang kahalagahan ng kasunduan, at sinabing ang rutang ito ay dinaraanan ng mga sasakyang-dagat na nagdadala ng tinatayang 80 hanggang 100 porsiyento ng inaangkat na langis ng Pilipinas.

“Our commendation and gratitude to DFA Secretary Maria Theresa Lazaro for quietly and efficiently negotiating with Iran to allow passage of vessels through the Strait of Hormuz that deliver 80% to 100% of the Philippines oil imports,” aniya sa isang post sa x.

Noong Huwebes, sinabi ng DFA na nagkaroon si Lazaro ng isang “very productive” na pag-uusap sa telepono kay Iranian Foreign Minister Seyed Abbas Araghchi, na nagbigay ng katiyakan na papayagan ng Iran ang “safe, unhindered, and expeditious passage through the Strait of Hormuz” ng mga “Philippine-flagged vessels, energy sources, and all Filipino seafarers.”

Ayon kay Lazaro, mahalaga ito upang matiyak ang energy security ng Pilipinas at ang kaligtasan ng mga Pilipinong marino na nagtatrabaho sa nasabing lugar.

Nauna rito, nakipagpulong si Lazaro sa naturang opisyal ng Iran upang hilingin na ituring ang Pilipinas bilang “non-hostile country” at tiyakin ang ligtas na pagdaan ng mga barkong Pilipino at mga kargamentong langis.

Nitong Miyerkules, hinimok ni Lacson ang mga Pilipino na ipagdasal na malagpasan ng bansa at ng mundo ang “Trump-26,” sa gitna ng mga hamong pang-ekonomiya — kabilang ang pagtaas ng presyo ng langis — na aniya’y malaking dulot ng “whimsical arrogance” ni US President Donald Trump.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -