26.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Sabado de Gloria, Araw ng Tahimik na Pagluluksa

- Advertisement -
- Advertisement -
ANG Sabado de Gloria ay ang huling Araw ng Mahal na Araw, na nagaganap sa pagitan ng Biyernes Santo at Linggo ng Pagkabuhay. Ito ay araw ng tahimik na pagluluksa at paghimlay ni Hesukristo sa libingan, habang naghahanda  ang mga mananampalataya para sa kanyang muling pagkabuhay.
Tinatawag din itong Sabado Santo de Gloria, Sabado ng Luwalhati, Sabado Santo o Banal na Sabado. Sa Iingles, tinatawag Itong Black Saturday (dahil itim ang kulay ng paglluluksa) at Holy  Saturday samantalang Sabbatum Sanctum sa Latin.
Inaalala ng araw na ito ang pagkaratay o paghimlay ng katawán ni Hesukristo sa libingan nito, habang bumabâ ang kaniyang káluluwâ sa Sheol (ang tinutukoy na “Kinaroroónan ng mga Yumao” sa Kredong Niseno) upang ipahayag ang Mabuting Balita sa mga patáy doon at iyadyâ sila.
Tahimik lamang ang paggunita sa Sabado de Gloria at kadalasan ay nagkakaroon ng paghahanda para sa “Easter Vigil” hanggang sa pagsalubong sa Pasko ng Pagkabuhay
Tampok sa simbahan ang Bendisyon ng Bagong Apoy at Pagsariwa ng Pangako ng Binyag sa Araw na Ito.
Pagkagat ng dilim sa araw na ito, sinisimulan nang ipagdiwang ng mga simbahan ang Bihilya ng Pagkabuhay.
Ano ang kahulugan ng “Gloria” sa Sabado de Gloria? Ang kahulugan ng “Gloria” ay kaluwalhatian. Sa araw na ito ay ipinagdiriwang ang nalalapit na tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan.
Mga dahilan kung bakit ito tinatawag na Gloria
 Una, pinagninilayan natin ang kadakilaan (gloria) ng pagkamatay ni Hesus sa Krus, na bagamat malungkot ay nagdudulot naman ng kabutihan sa ating lahat. Sa kanyang kamatayan nahayag ang kanyang karangalan.
Ikalawa, ang araw na ito ay hindi lang para magnilay sa kamatayan ni Hesus, kundi maghintay sa napipintong pagkabuhay-muli ng Panginoon sa kadakilaan (gloria).
Ikatlo, sa Bihilya ng Paskwa o Easter Vigil, na bahagi pa ring maituturing ng Sabado de Gloria, ay aawiting muli ang Papuri sa Diyos (o Gloria) na halos anim na linggo ring hindi narinig sa mga misa ng Kuwaresma.
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -