27.7 C
Manila
Linggo, Hunyo 7, 2026

Imee: Bawas buwis ngayong may krisis sa langis

- Advertisement -
- Advertisement -

IGINIIT ni Senadora Imee Marcos ang agarang pagpasa ng panukalang batas na layong magbigay ginhawa sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbawas ng buwis para maibsan ang matinding epekto sa presyo ng mga bilihing dulot ng krisis sa langis.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 2005, itinutulak ni Marcos ang pagtaas ng income tax exemption sa ₱500,000 ng taunang kita mula sa kasalukuyang ₱250,000, gayundin ang pagtaas ng ceiling ng mga bonus, kabilang ang 13th month pay at iba pang benepisyo na hindi pinapatawan ng buwis, sa ₱200,000 mula sa kasalukuyang ₱90,000.

“Kailangan ito upang mas malaki ang maiuuwi ng mga manggagawang Pilipino sa gitna ng sunod-sunod na pagsirit ng presyo ng mga bilihin dahil sa krisis!” saad ni Marcos.

Dagdag pa niya, “Kung hindi kayang kontrolin at agarang mabigyan ng solusyon ng pamahalaan ang sitwasyon, siguraduhin man lang natin na mas malaki ang maiuuwing kita ng bawat Pilipino upang matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -