29 C
Manila
Huwebes, Hunyo 18, 2026

VP Sara pinangunahan ang paglulunsad ng  OVP Pop-Up Exhibit

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMALO si Vice President Sara Duterte  sa “Extra+Ordinary: The Vice Presidents of the Philippines” pop-up exhibit sa Robinsons Galleria South, Barangay Nueva, San Pedro City, Laguna.

Narito ang kanyang naging pahayag tungkol dito.

“Karangalan para sa atin na personal na nadaluhan ngayong araw ang inilunsad na “Extra+Ordinary: The Vice Presidents of the Philippines” pop-up exhibit sa Robinsons Galleria South, Barangay Nueva, San Pedro City, Laguna.

“Bilang pagkilala sa halos isang siglo ng panunungkulan ng Tanggapan, ay nakatakda nating dalhin sa 90 mga lokasyon sa bansa ang naturang exhibit. Layunin natin dito na kilalanin ang 14 na lider na humawak sa puwestong ito, na pinangalagaan ang Republika sa mga pinakamahirap na sandali ng ating bayan.

“Hindi sila laging nakakakuha ng palakpak. Hindi sila laging naaalala. Ngunit sa panahong kinailangan ng bansa ang katatagan, nandoon ang ating mga Vice Presidents.

This is the real story of the Vice Presidency. Not power. Not prestige. Ordinary people, with extraordinary love for the Philippines.

“I invite you to step inside and go beyond the summaries and glossy photos. Discover the leaders who served without guarantee of recognition. Look for the decisions that were unpopular but necessary. Let us own the lessons of our history.

“And remember: the highest offices in this land belong to anyone who is willing to serve.

“Maraming salamat sa pamunuan ng Robinsons Galleria South, sa Lokal na Pamahalaan ng San Pedro, sa ating mga kasamahan sa Office of the Vice President sa inyong dedikasyon upang maging matagumpay ang aktibidad na ito, at maging sa ating mga kababayan na nakiisa sa makabuluhang araw na ito at patuloy na sumusuporta sa Tanggapan.

“Ang pop-up exhibit ay bukas sa publiko hanggang ika-13 ng Mayo.

“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -